Ikalabing apat na Kabanata

63 4 0
                                    

Thursday ng gabi ay sinundo kami nila Tita Berna sa bahay. Nagtaka pa nga ako noong hapon dahil maagang umuwi si Tatay at sinabing may pupuntahan kaming birthday sa Jobito ー kasunod na bayan ng Gerona. Pati ang mag-jowa ay pinagbihis dahil kailangan daw na sumama ang lahat.

Gamit ang van nila Tita, bumyahe kami ng almost fourty minutes bago nakarating sa Jobito. Kung may araw pa, siguradong aabutin kami sa kalsada ng dilim dahil sa traffic. Halos puro bus kasi ang nagdadaan. Karamihan pa-manila, o di kaya galing sa Manila.

Hindi  ko pa din alam kung sino ang may birthday. Naririnig ko lang na pinag-uusapan nila Tatay at Tito Rey, asawa ni Tita Berna, ang kaibigan niyang pupuntahan namin. Baka 'yon.

"Grabe, ang sarap mag-roadtrip dito, girl. 'Yung bukas ang bintana para fresh air." sabi ni Alex pagkababa ng van. Inalalayan siya ni Jem dahil siya ang huling bumaba.

Ngumiti lang ako dito at tumango. Pag lingon ko sa tapat ng binabaan naming bahay ay halos mapanganga ako sa ganda nito. Hindi ko namalayang may pinasukan pala kaming gate at mismong sa tapat ng maindoor ng bahay na kami bumaba.

Inikot ko ang paningin ko sa buong bakuran. Doble yata nito ang garden sa harap ng bahay namin. Paano pa 'yung loob ng bahay? Baka kasing laki na siya ng bukid sa likod-bahay namin.

Napalingon kaming lahat nang bumukas na ang maindoor. Sinalubong kami ng lalaking kasing-edad yata nila Tatay at Tito. Ito na siguro 'yung may birthday.

Nakita kong yumakap 'to kila Tita Berna at Tito Rey. Nagmano naman si Biboy at dere-deretsong pumasok sa loob. Pipigilan pa sana si Tita Berna pero ang bilis nawala.

"Pabayaan mo na, Berna. Minsan lang naman makapunta dito 'yang inaanak ko."

Ah, kaya pala nagmano kahit hindi pa inuutusan.

Noong akala kong lumapit ito para yakapin naman si Tatay, halos lumuwa ang dalawang mata ko dahil nilagpasan nito ang tatay at pagdakay niyakap si Mama bago hinalikan sa pisngi.

"Hoy! Asawa ko 'yan!" sigaw ni Tatay na halata mong nabigla din sa ginawa ng kaibigan.

Tatawa-tawa lang sa gilid sila Tita. Mukhang nagulat din ang mag-jowa. Si Era naman ay mukhang nandiri sa nakita.

Naglakad pabalik sa gawi ni Mama si Tatay para hilahin ang braso nito. Napailing-iling naman ang lalaking yumakap at humalik kay Mama para pigilan ang ngiti niya.

"Oh, bakit? hindi ko naman inaagaw." pang-aasar pa nito.

"Hoy, Gonzales, tigilan mo ko! Bubugbugin kita ulit!"

Ngayon ko lang nakitang ganito si Tatay. Composed itong tao at hindi mabilis mapikon, kaya nagugulat ako ngayon dahil pinapatulan niya ang mga biro ng kaibigan niya.

Narinig kong tumawa si Mama bago hinalikan ang pisngi ng naiinis kong Tatay. Mas lalo namang nandiri ang itsura ng kapatid ko ngayon sa gilid.

"Mga magulang mo 'yan, bakit ganyan itsura mo?" bulong ko dito.

Pinigilan ko ang tawa ko dahil lumingon 'to sakin nang nakangiwi, "Grabe, Ate, bakit hindi naman ganyan sila Ate Alex?"

Napalingon tuloy ako ngayon sa mag-jowa. Nakahawak sa balikat ni Alex si Jem at nakapatong naman ang braso ni Alex sa bewang ng jowa niya. Tumatawa-tawa na din sila ngayon.

Swerte mo nga dahil hindi mo nakikita kung paano harutin ni Alex 'yang jowa niya, isip ko. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Ano ka ba, Jorelle, sobrang tagal na no'n. May mga anak na nga tayo." pinipigilan pa din ni Mama ang matawa.

Kmunot naman ang noo ko sa nabuong ideya sa isip ko. Malaki ang posibilidad na may ibang nanligaw kay Mama bukod kay Tatay. Maganda din naman ang Mama ko, no!

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon