Thursday morning, maaga kong inayos ang mga iuuwi kong gamit sa Santa Nordes. Medyo madami ang iuuwi ko hindi tulad noong nakaraang taon. Nagkanakawan kasi ‘nong isang lingo dito sa dorm, bagay na ngayon lang nangyari sa loob ng tatlong taon kong pagtira dito. Para na din deretso terminal na ko mamaya after exam.
Saglit akong tumingin sa wall clock na nakasabit sa tabi ng poster ni Jin para tignan kung hindi pa ba ako malelate. Kumindat at nag-flying kiss pa ako dito bago bumalik sa ginagawa.
“Laptop, wallet, ano pa ba?” tanong ko sa aking sarili. Alam ko kasing makakalimutin ako kaya habang fresh pa ang utak ko kailangang maiayos ko na lahat ng gamit na dadalhin ko.
“Powerbank! Shet muntik ko pang makalimutan!”
Halos apat na oras kasi ang byahe ko, at saka madali ding ma-lowbatt ang cellphone ko dahil sa samu’t-saring application na naka-install. Thanks to the worldwide handsome.
Magli-limang minuto ko na yatang hinahalungkat ang drawer na siyang pinaglalagyan ko ng mga gadgets pero hindi ko pa din makita ang powerbank. Lumipat ako sa study table na nakapwesto sa tabi ng bintana at madalas kong tambayan dahil sa view pero wala din. Pati sa C.R. nahanap ko na pero wala talaga.
Nang mapadaan ang tingin ko sa maliit na table sa tabi ng kama at nakita ko ang nakangusong picture ni Alex. Pinahiram ko nga pala sa kanya dahil nawala ang charger niya at wala pa siyang time bumili, baka daw magalit ang boyfriend niya kapag hindi sila nakapag-usap.
Mabilis kong dinial ang phone number nito. Hindi naman ako naghintay ng matagal bago siya sumagot, “Hoy, yung powerbank ko.”
“Hello to you too,” Bati nito sa kabilang linya na siyang nagpa-irap sa akin, “Ikaw talagang babae ka may pagkabastos ka, kaya walang nanliligaw sayo!”
“Blah, blah, blah, yung powerbank ko isoli mo mamaya sa school.”
“Oo na, girl. Nawala lang sa isip ko kaya nakalimutan kong ibalik.”
“Puro ka kasi Jem.”
“Whatever!” sabi nito bago binaba ang tawag. Ayaw pa kasing aminin na head over heels siya sa boyfriend niyang walang ibang ginawa kundi i-date siya sa mga simbahan. Nalibot na yata nila lahat ng sikat na simabahan dito sa Maynila. Kasasabi lang din niya sa akin na pupunta sila ngayong summer break sa Manaoag.
Muli akong tumingin sa wall clock at ganon na lang ang pagkabigla ko nang makitang ten minutes na lang bago mag-start ang exam ko sa first subject. Boom panes ako nito kapag hindi ako nakapag-take ngayong araw. Tiyak na babalik ulit ako after two weeks para mag-special exam.
“Anong oras ang byahe mo, girl?” tanong sa akin ng ngumunguyang si Alex. Nandito kami ngayon sa canteen dahil katatapos lang ng first exam, dalawa pa at makakahinga na ko ng maluwag.
“Ita-try kong habulin yung pang 3:30 bus. Ikaw ba? Hindi ka ba uuwi?”
“Huh?” naguguluhang tanong nito.
Halos isang oras lang naman kasi ang layo ng bahay nito sa university na pinapasukan namin pero madalas ay sa dorm ko siya nakikitulog, o di kaya’y sa bahay nila Jem ‘pag umuuwi ito galing dorm. Buti na nga lang at hindi nagagalit ang land lady ko. Minsan nga gusto ko na din siyang singilin dahil ako lang ang nagbabayad pero parang dalawa kaming nakatira.
“’Te, ang lapit lang ng bahay mo, uwi-uwi din.”
Inirapan ako nito bago nagsalita, “Wag ka na kasi mag-dorm! ‘Dun ka na lang sa bahay namin para hindi na ‘ko nakikitulog sayo.”
Hiwalay na kasi ang mga magulang niya, naiwan naman siya sa Daddy niya nang naipanalo nito ang custody para sa kanya, pero madalas itong nasa labas ng bansa para asikasuhin ang business nila. Galing sa mayamang pamilya ang kaibigan kong ‘to, hindi nga lang halata dahil may pagkasanggano ang bruha.
Halos isang taon niya na din akong pinipilit na sa kanila na tumira tutal palagi lang naman daw siya ang tao sa kanila. Ilang mga katulong, isang driver, at isang guard lang kasi ang kasama niya. Minsan na din akong napunta ‘don at masasabi ko ngang masyadong malaki ang bahay nila para sa kanilang mag-ama.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayong nakakahiya nga?”
“Nakakahiya, nakakahiya. Ako nga hindi nahihiyang makitulog sayo.”
Napatingin ako dito at biglang natawa dahil totoo namang walang kahihiyan sa balat ‘tong si Alex. Amazona at walang inuurungan ang kaibigan ko, kaya siguro siya madalas dalhin ng boyfriend niya sa mga simbahan.
“Sige na nga. Magpapaalam ako kay Mama,” sabi ko at nakita ko namang napatigil siya sa pagkain, “Pero ‘wag muna tayong umasa dahil mahigpit din ang isang ‘yon.”
Tumango-tango ito dahil puno pa ang bibig niya. Napangiti na lang din ako. Tutal last year naman na namin next school year at ramdam ko namang gusto lang ma-feel ni Alex ‘yung sinasabi nilang “home.”
After ng last exam namin ay hinatid ako ni Alex at Mang Ruben na family driver nila sa terminal ng bus. Ilang beses akong tumanggi pero syempre ano namang laban ko kay Alexander the great?
Madami itong pinauwi saking make-up para sa kapatid kong bunso at lipstick para kay Mama. Nang minsan kasing nakipag-videocall ako sa kanila ay sa dorm natulog si Alex kaya nagkausap ang kirengkeng kong kapatid at kirengkeng kong kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit pinapayagan nila Mama’t Papa si Era na maglalagay ng kung ano-ano sa mukha kahit thirteen years old pa lang siya. Naglalagay din naman ako pero light lang, hindi katulad ng sa kapatid ko.
“Hoy Ara Zsein, wag mong aagawan si Baby Era sa mga make-up ha!”
“Opo. Alam ko namang bilang na niya kung ilan ang dapat makarating sa kanya.” sagot ko.
“Good doggy,” sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin, “Charot lang, ‘to naman. Mami-miss kita girly! ‘Wag mo ko kakalimutan ha? At susulat ka ng madalas. At wag mo kalimutan magpaalam kay Tita na samin ka tutuloy next sem.” Mahabang sabi niya habang niyayakap-yakap ako. Nakita ko namang natatawa na lang samin si Mang Ruben.
“Ano ba Alexis Sharmaine lumayo ka nga,” sabi ko, “Oo nga magpapaalam na kaya ilayo mo sakin yang mukha mo.”
“Ang sungit mo talaga. ‘Pano ka magkaka-boyfriend niyan?”
Tinignan ko na lang siya ng masama bago bumaba sa kotse nila. Kumatok muna ko sa bintana ni Mang Ruben para magpaalam. Nakita kong ibinaba naman ni Alex ang bintana sa side niya, “Hoy girl gagraduate na tayo ng college hindi ka pa din nagkaka-boyfriend. Baka maunahan ka pa ni Era niyan.”
“’Te, ‘wag ka ngang atat. Ako nga hindi nagmamadali.”
Ngumuso naman ito bago muling nagsalita, “Pero alam mo, feeling ko malapit ka nang magka-jowa.”
“Huh?”
“Nararamdaman ko talaga one of these days may ipapakilala ka na sakin.”
“Tumigil ka nga dyan Alexis. ‘Wag mong pangunahan ang tadhana.” Sabi ko dito na mas lalo niyang ikinasimangot.
Kumaway muna ko dito saka hinintay mawala sa aking paningin ang sasakyan nila bago ko napagpasyahang sumakay na ng bus.
Bago pa man ako makasakay ay naramdaman kong lumakas ang hangin at bahagyang kumulimlim ang langit na animo’y uulan. Bahagyang natakpan ng mga ulap si haring araw. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at sumakay na.
Habang namimili ako sa mga bakanteng upuan ng bus pauwi sa Santa Nordes, wala akong ka-ide-ideya na ito na pala ang simula ng pagbabago ng buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/206122725-288-k10666.jpg)
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...