Ika-dalawampu't anim na Kabanata

42 2 0
                                    

Pagpasok ko sa loob ng bahay ni Ka Lucing ay sumalubong sa akin ang matanda. Dahan-dahan nitong hinihila ang tumba-tumba papunta sa may bintana.

"Tulungan ko na po kayo." Alok ko dito. Alam na din siguro niya sa sarili niyang mahirap na para sa kanya ang magbuhat at humila ng mga mabibigat kaya agad siyang gumilid para makadaan ako.

"Nasaan na ang alaga mo?" tanong nito sa'kin nang nakangiti.

Sinimulan ko nang hilahin ang rocking chair, "Nabusog po yata sa milktea. Nakatulog na," sagot ko kaya sabay kaming natawa.

Si Vicente ang tinutukoy niyang alaga. Noong una medyo naasiwa pa 'ko nang tawagin niya 'tong alaga ko, para naman kasi talaga akong may binabantayang bata dahil hindi pa siya pamilyar kaya kailangan kong i-explain ang mga bagay na bago sa paningin niya.

Noon ngang first time niya pumasok sa café dito sa Nordes ay akala mo inosenteng bata dahil curious sa lahat ng makita. Lalo noong nalaman niya kung magkano ang bibilhin naming inumin.

"Siyam na put limang piso?! Sadyang mahal na talaga ang mga bilihin ngayon."

Kating-kati na ang kamao ko para suntukin siya noong time na 'yon. Hindi ko na dapat kasi siya isasama, pero naisip kong ilibot siya para at least maging familiar siya sa maliit na barangay namin.

Ito na ang third day ko sa paggala sa bahay ni Ka Lucing. Kagaya ng napag-usapan namin ni Vicente noong isang gabi, ikukwento ko sa kanya lahat ng napag-aralan ko tungkol kay Dr. Jose Rizal. Dala ko na nga din ultimo handouts na ginamit ko noon sa Rizal subject ko noong second year.

"Baka madami ka nang nagagastos sa mga kinakain niyo ni Vicente," sabi nito. Nakita ko pang akmang may dudukutin siya sa bulsa, "Idagdag mo na 'to at mukhang mahaba-haba pa ang kwentuhan niyo."

Syempre kapag may kwentuhan, dapat may chibugan. Nakita kong may iniaabot 'to saking dalawang one hundred pesos. Agad naman akong umiling at ngumiti, "Hindi na po. Nag-naghahati naman po kami ni Binsot 'pag bumibili."

Bad Ara. Anong naghahati? Oo, noong unang beses nilibre ko siya ng milktea, aba mukhang nagustuhan ang lasa, humirit pa pagka-ubos. Kaya kahapon at saka kanina, siya na pinagbayad ko ng lahat. Pero nag-alok naman talaga siyang siya na magbabayad bago ko pa sabihing ilibre niya 'ko.

"Binsot?" tanong ng naka-upo ng matanda. Lumapit ako sa may bintana at nilakihan pa ang bukas nito para mas pumasok ang sariwang hangin.

"Ah, si Vincente po. Nahahabaan po 'ko sa pangalan niya, eh." sagot ko na ikinatawa nito, "At saka gusto niya din daw po ng palayaw. Vicente lang din daw po kasi tawag sa kanya ng tatay niya." Tumango ito at humarap na sa may labas.

Natahimik kami ng ilang minuto nang maalala kong pangalan at kung saang panahon lang galing si Vicente ang alam ko tungkol sa kanya. Pati nga ang kinilala niyang ama ay hindi din ako pamilyar. Walang kahit anong reference ang magpapatunay sa naging kaugnayan ni Rizal sa nagngangalang Felimon Siongco.

"Ka Lucing?" Napadilat ang matanda sa pagtawag ko, "Kilala niyo po ba ang tatay-tatayan ni Binsot?"

Ngumiti ito sa'kin saka itinuro ang rattan chair sa likuran ko, "Kumuha ka muna ng upuan."

Pagka-ayos ko sa gilid nito ay nagsimula na siyang magsalita, "Si Felimon Siongco ay anak ng isang intsek na lalaki at dalagang pilipina, pero hindi sila kasal dahil may pamilya iyong lalaki sa China."

Kusang bumuka ang bibig ko, "Anak po siya.. sa labas?" tanong ko na ikinatango ni Ka Lucing.

"Walang ibang nakakaalam nito maliban sa mga magulang ni Felimon. Sa katunayan ay nalaman na lang din ng batang Felimon ang katotohanan noong dumating ang ika-labing limang kaarawan niya."

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon