Prologo

285 11 0
                                    

"Sino ka?" gulat na tanong ko sa lalaking nakaupo ngayon sa semyento ng kwarto ko.

Kita kong nanlaki din ang dalawang mata niya sa gulat, "Ipag-ipagpaumanhin mo..."

"Sino ka nga?!"

Shit. Nasaktuhan pang wala akong kasama dito ngayon. Baka kung anong gawin sakin ng lalaking to!?

Hindi pa din siya umaalis sa pwesto niya at nanlalaki pa din ang dalawang mata kaya malaya kong napagmasdan ang kabuuan niya.

Napakunot ang noo ko nang makita kong parang mag-aanak sa kasal ang lalaking 'to. Naka-puting polo with mahabang manggas lang naman siya at cream-colored pants with matching shinny black shoes. Saan ba talaga galing ang taong 'to?!

Naalarma ako ng tumayo ang estranghero at tumingin ng deretso sa mga mata ko, "Nagagalak akong makita kang muli, Señorita Ara."

Ano daw?

Habang naguguluhan ang isip ko, hindi ko namalayang kumikilos na pala ang mapaglarong tadhanang gugulo sa mundo ko.

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon