Nandito kami ngayon sa bagong bukas na Café sa Nordes. Minabuti kong umalis na lang kami sa bahay. Mukhang mas safe pa dito kesa doon.
Nang mahimasmasan ako kanina ay agad kong hinila si Alex palabas ng kwarto. Kahit hindi pa tapos maghugas ng mga pinag-kainan ay kaagad ko ding inaya si Era para umalis ng bahay. At syempre, kung nasaan ang girlfriend siguradong nandoon ang boyfriend, kaya nandito kaming apat ngayon at naglalasing sa kape.
"Ate, bakit ba ayaw mo pang umuwi? Papagalitan ako ni Mama kapag nadatnan niya pa 'yung mga hugasin sa lababo!"
"Basta wala munang uuwi! Dito lang tayo."
Nakita kong nalukot ang mukha ni Era at nagkatinginan naman ang mag-jowa.
"Ano ba, Ate? Hindi pa ko naliligo!" mariin niyang bulong sakin, "Tapos hindi mo man lang yata ni-lock yung gate! Gusto mo bang pagalitan talaga tayo nila Mama?"
Hindi ko din sure kung naisara ko man nga lang ba ang gate. Masyado 'kong inokupa ng kaba kanina kaya basta ko na lang sila hinilang apat dito. Buti na nga lang at may dalang pera si Jem. Nakakahiya kung hindi man lang kami bibili.
"Girl, diba dapat magsumbong tayo sa mga pulis?" tanong ni Alex.
Oo nga. Bakit ba imbes na sa Barangay Hall ako pumunta ay dito 'ko dumeretso?
"Pulis?" naguguluhang tanong ni Era.
Tumingin muna sakin si Alex bago bumaling sa kapatid ko, "'Yung nanloob kasi sa bahay niyo, baby girl, nakita ulit ng ate mo sa may likod bahay niyo."
"What?" gulat na tanong ni Jem, "Bakit hindi niyo agad sinabi? Edi sana nahabol ko."
Kinunutan ng noo ni Alex ang boyfriend niya bago nagsalita, "Are you nuts? Ni hindi nga natin alam kung anong kayang gawin nung guy tapos hahabulin mo? Kabisado mo ba 'tong lugar nila ha?"
Nakita kong ngumuso si Jem bago sumimsim ng Iced Americano niya.
"Ate, tara na. Punta tayo kela Kap. Sabihin nating bumalik yung lalaki." Aya sakin ni Era. Nakatayo na pala 'to at hawak na ang in-order niyang frappe. Tumango ako bago tumayo.
Minabuti kong iwan ang Iced Coffee-ng in-order ko. Hindi ko din naman to maiinom dahil sa kaba.
May kanya-kanyang hawak na inumin 'yung tatlo paglabas namin. Humawak agad kay Alex si Era kaya sa may likod namin lumagay si Jem.
Maglalakad lang kami tutal hindi naman kalayuan ang barangay hall mula dito. Isang tawid tapos deretso lang makakarating ka na.
Aayain ko na sana silang tumawid nang mapatigil ako sa paglalakad.
Nanlaki ang dalawang mata ko dahil mula sa kinatatayuan namin ay nakita kong muli ang mga mata niya. Nasisiraan na yata ako ng bait dahil imbes na habulin siya at hulihin ay piniling manatili ng mga paa kong huwag gumalaw at titigan lang ang lalaki.
Mukhang may nakalimutan akong i-describe kay Francis. Maganda pala ang kulay ng mga mata noong weirdong manyakis lalo na kapag nasisikatan ng araw. Para bang nakatingin ka sa asul na dagat dahil sa bughaw na mga mata niya.
May dumaang elf van sa kalsada nang may kumalabit sa likod ko, "Huy, girl, ano na?"
Bahagya akong nagulat saka lumingon sa kanila, "Ha? 'Yung lalaki ayo--" ituturo ko na sana sa kanila 'yung weirdong manyakis nang paglingon naming lahat ay wala ng nakatayo doon.
"Huh?"
Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala talagang tao. Ang bilis naman niyang nakalayo?
"Huy, 'te, ano na? Ang init dito sa kinatatayuan natin!" sabi ni Alex.
![](https://img.wattpad.com/cover/206122725-288-k10666.jpg)
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...