Ikalabing isang Kabanata

88 4 0
                                    

Magkatapat kaming nakaupo ngayon sa isa sa mga picnic table na gawa sa bato dito sa Plaza Marcial, habang nasa katapat na 7/11 naman ang tatlo. Para silang mga undercover agents dahil 'nung huli akong tumingin sa gawi nila ay mataman silang nakatingin samin.

Siguradong nagtataka din si Era at Jem kung sino 'tong kakausapin ko ngayon dahil tanging si Alex lang ang naka-gets dahil na din sa pag-uusap namin kanina.

Siniguro kong hindi kami maiiwan ng kaming dalawa lang. Madami ngayong tao dito dahil kakatapos lang ng misa. At abutin man kami ng gabi, hindi din naman dumidilim dito dahil ito ang sentro ng Gerona. Punong-puno ng post lamp.

Ang Plaza Marcial ang isa sa mga ipinagmamalaki ng bayan namin dahil na din sa matatayog na puno at halamang nakapalibot dito. Dito din nakatayo ang munisipyo ng Gerona na siyang pinagtatrabahuhan ni Tatay. Hango naman ang pangalan nito sa isang magiting na mamamayan ng Gerona.

Ang kwento sakin ni Lolo ay ito daw ang leader ng pinakaunang grupo ng mga Pilipinong nakatira sa Gerona na nag-aklas noon laban sa kastila. Nagkaroon sila ng parang sub-unit sa Manila, Bulacan, Pangasinan, at sa ibang karatig lalawigan.

Wala pa man sa mundo ang anim na founding fathers ng KKK ay nakapagtatag na si Ginoong Marcial ng grupong lalaban sa mga kastila upang makamit ang kalayaan ng bansa. So parang ang grupo ni Marcial ang version one ng Katipunan, at version two naman ang itinatag nila Bonifacio.

"Señorita?"

Doon ako nabalik sa wisyo. Malayo na pala ang narating ng utak ko at nakalimutan ko ang totoong pakay ko ngayon.

Tumingin ako sa kanya at mukhang lilipad na naman ang isip ko nang makita ko ang mga mata niya. Para bang nakatingala ka sa asul na langit kapag tumitig ka dito.

Nakakapagtaka lang dahil hindi naman siya mukhang foreigner maliban na lang talaga kung mata niya ang titignan. Kayumanggi ang kulay niya at hindi din naman siya ganoon katangkad. Maliit lang ako, huling measure ko is 5'2, pero mukhang umabot naman ako sa may tenga niya, so around 5'6 or 5'7 siguro ang height niya.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may mag-vibrate sa bulsa ko. Tumatawag si Alex.

"Girl, ano!? Magtititigan na lang ba kayo dyang dalawa?" inis nitong tanong sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot dito, "Sorry. Nakaka-distract kasi 'yung... Basta! Mamaya na lang." sabi ko saka in-end call na. Nakita ko pa ang pag-amba nito sakin nang lumingon ako sa gawi nila.

Nang ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki ay nakita kong inililibot nito ang tingin sa paligid. Ganoon lang siya, titingala tuwing paliliparin ng tindero ang tinda niyang laruang ibon na gawa sa matigas na patpat at plastic na may iba't ibang design.

Para siyang manghang-mangha sa pinapanuod, "Ngayon ka lang ba nakakita niyan?" tanong ko dito.

Ngumiti ito pero hindi pa din ibinabalik ang tingin sakin, "Oo, Señorita. Sa katunayan ay hindi ko akalaing dadating ang panahon na makadidiskubre ng kagamitan ang tao upang makapagpalipad ng ibon na gawa lamang sa kahoy."

Hindi ko alam kung kikilabutan ba ko sa part ng Señorita o sa way ng pagsasalita niya. Hindi naman ganon kalalim pero masyadong mahaba at luma.

Isinawalang bahala ko na lamang ang sinabi niya at um-ehem para makuha ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito sakin.

"Paumanhin, Señorita. Namangha lamang ako sa laruang iyon."

Napangiwi ako nang tinawag na naman niya kong Señorita, "Pwede ba tigilan mo ang pagtawag sakin ng Señorita? Hindi ka ba kinikilabutan?"

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon