𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦
Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya.
Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...
Ang mga naka-italic na salita ay pagbabalik-tanaw. :)
-
Kinabukasan, maaga akong nagising kesa sa nakasanayan. Halatang excited, siguro, inako 'ko ang pagwawalis at paghuhugas ng pinagkainan namin kay Era, eh. Mukha pa ngang nawirduhan sa'kin ang kapatid ko dahil tinulak-tulak ko pa siya paalis sa tapat ng lababo.
Ginamit ko na din 'yong mga iniwang face masks dito ni Alex kagabi. Habang pangiti-ngiti lang si Mama sa tabi dahil alam niya kung bakit ako nagkakaganito.
Ilang minuto matapos akong ayain ni Francis ay nagsabi na siyang uuwi. Tinawag ko si Mama para makapag-paalam si Francis. Nagulat na lang ako nang ipinaalam niyang aalis kami ngayon. At syempre dahil si Francis 'yon, pumayag agad si Mama.
Wala din namang sinabi si Tatay maliban sa sinabi niyang mag-ingat ako kay Francis dahil baka nagmana daw sa tatay nitong luko-luko. Alam ko namang biro lang 'yon kaya tumawa na lang ako. Bibigyan niya nga din sana ako ng pera kanina kaya lang biglang nagbago isip dahil siguradong ililibre naman daw ako ng kasama ko.
Maaga pa, kaya pagkatapos kong pakainin si Patchi ay dumeretso ako sa kwarto. Kailangan ko ng fashion skills ni Alex para sa outfit ko mamaya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napakunot ang noo ko nang mapansing 'yong pabalik-balik na tatlong tuldok tapos biglang mawala. Nagta-type si Alex pero agad ding nawawala. Anong nangyayari dito?
Ara hoy anong nangyayari sayo?
Alex uhmm nothing don't mind me :) Bakit ka ba nagchat? U missed me again?
Ara w0w ganda ka girl?
Alex Yes ;)
Ara vc, patulong ako ng outfit
Hindi ko na siya hinintay makapag-reply at agad na pinindot ang videocall button. Hindi naman ako naghintay ng matagal bago niya sagutin.
Napakunot ang noo ko nang makita siya, "Umiyak ka ba?" tanong ko.
Hindi gaanong malinaw ang image niya pero nahalata ko agad ang puffy eyes niya. Lalo ko pang nakumpirma nang nagsunod-sunod ang singhot niya.
"No. I'm having rhinitis lang."
Tumango-tango ako, "Tulungan mo 'ko pumili ng isusuot mamaya."
"Para sa'n ba?"
Natigilan ako sa tanong niya. Kapag hindi ko sinabi siguradong hindi niya 'ko titigilan, kapag sinabi ko naman sure na sure na aasarin niya 'ko hanggang matapos 'tong video call na 'to.
"May lakad kami ni Francis"
Nakita kong mabilis na nanlaki ang mga mata niya, "OMG! Totoo?!"
Hindi ako kaagad nakasagot dahil nagsimula na siyang tumili-tili sa kabilang linya. Akala mo siya 'tong inayang lumabas.