Bago ako makapasok sa gate ay napansin ko agad ang nakaparadang kotse sa tapat ng bahay namin. Manghang-mangha pa ngang nilapitan at tinignan mabuti ni Vicente ang sasakyan. Hinatid niya kasi talaga 'ko pauwi.
Pagkapasok ko sa loob ay itinali ko muna si Patchi bago binigyan ng tubig. Hindi ko namalayang tanghali na pala kaya baka nagugutom na 'tong aso.
Hindi ko pa nahahawakan ang pinto ng bahay ay kusa na 'tong bumukas at iniluwa ang kapatid ko, "Ate! Sa'n ka ba galing?!"
Ay? Bakit galit?
"D'yan lang." sagot ko. Wala pa 'kong planong sabihin sa kanila ang tungkol kay Vicente at Ka Lucing. Magtataka 'yon lalo na si Mama dahil hindi naman kami close ng matanda.
"Apaka tagal mo! Kanina pa naghihintay dito si Kuya Francis!"
Kusang nanlaki ang dalawang mata ko nang banggitin nitong nandito si Francis. Bakit nandito 'yon? Wala namang siyang sinasabi sa'kin!
Hindi ko na sinagot si Era at pumasok na lang agad sa loob. Agad kong nakita si Francis na naka-indian sit sa sofa at may kalong na pinaghalo-halong chichiryang nakalagay sa bowl.
Mukhang nagulat pa nga 'to sa biglang pagpasok ko kaya mabilis na napatingin sa'kin. Hindi din niya naituloy ang pagsubo sana ng chips. Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o ano dahil mukhang prenteng-prente siya sa posisyon niya ngayon.
Siya ang unang nagbawi ng tingin namin sa isa't isa. Ngumiti pa ng malaki kaya biglang sumingkit ang parehong mata niya.
Tumawa ako ng mahina bago tumabi sa kanya, "Ayos ang upo mo, ah." pang-aasar ko.
Siya naman ang natawa. Ibinaba niya ang hawak na bowl sa center table bago umayos ng upo, "Sabi kasi ng mama mo 'wag akong mahiya." sagot ni kaya sabay kaming natawa.
Napansin kong Kuroko No Basuke ulit ang pinapanuod nila. Siguradong si Era ang may pakana nito. Sisitahin ko na sana siya kung bakit anime ang ipinapapanuod niya sa bisita nang bigla itong magsalita, "Sa sobrang tagal mo Ate, season three na kami."
Napakunot ang noo ko nang tumawa ulit si Francis. Wala pa nga akong sinasabi?
"Don't worry. Enjoy naman panuorin. Saka tinatapos lang namin 'yong pinapanuod natin kagabi." sabat ng tumatawan pa ding si Francis.
Mind reader ba sila? Hindi pa nga bumubukas bibig ko may sagot na sila agad.
Hindi nagtagal ay lumabas naman si Mama galing sa kusina. Sinabi nitong kakain na daw kami ng lunch. Hindi ko sure kung makakakain pa 'tong dalawa. Tag-isang bowl ba naman sila ng junk foods habang nanunuod, paubos na din ang one-point-five Sprite na nakapatong sa center table.
Bigla ko tuloy naalala si Vicente. Ngayon lang yata nag-sink in sa'kin ang joke niya kanina. Natawa tuloy ako na ikinatingin sa'kin bigla ni Francis.
Nagtataka 'tong tumingin sa'kin pero walang sinabi. Umiling na lang ako habang pilit pinipigilan ang tawa.
Nang makarating kami sa hapag ay nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ang naglalakihang hipon at inihaw na tilapia, "Wow, Ma, ang laki!"
Natawa si Mama habang inihahain sa harap namin ang kanin,"Nako, magpasalamat ka sa Tito Felix mo."
Napatingin ako kay Francis. So kaya pala nandito siya dahil dito. Akala ko naman ako ang sinadya nita. Char!
"Gusto sana ni Dad na siya mismo ang magdala kaya lang baka daw maghimutok si Tito." paliwanag nito.
Napailing-iling si Mama habang nakangiti. Natawa naman kaming tatlo dahil hindi malabong magalit nga si Tatay kapag nalaman niyang pumunta dito si Tito Felix ng wala siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/206122725-288-k10666.jpg)
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Novela Juvenil𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...