3rd Person's POV
Bukas na ang start ng klase at excited na ang lahat para sumabak sa pagiging 3rd year students lalong lalo na ang magtotropang Seulgi, Jisoo, Joy, at Lisa.
Alam nilang Welcoming Program lang para sa mga bagong studyante ang magaganap bukas dahil tatlong taon na sila sa Ateneo kaya naman maaga palang ay napagpasyahan nilang pumunta ng mall para mamili ng gagamitin nila maliban kay Seulgi.
"Pre ayos ba to? Anong mas maganda dito pre? Itong stripes oh itong black? Chu ano sa tingin mo bagay ko ba to oh mas maganda------"
"UTANG NA LOOB SEULGI TATLONG ORAS KA NG NAMIMILI JAN BILHIN MO NALANG LAHAT! " pagputol ni Jisoo kay Seulgi.
"Sabi ko nga hehehe. " sabay kamot naman ni Seulgi sa batok at kinuha lahat ng napili niya tsaka pumila sa counter.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Seulgi kung saan naghihintay ang mga tropa niya hawak hawak ang anim na paperbag ng mga pinamili niyang damit.
"Ano tapos ka na? " masungit na tanong ni Jisoo.
"Oo hehe tara naa" sagot naman nito habang nagpapa cute sa mga kasama.
"Hindii! Sige naaa kunin mo na lahat ng damit na gusto mo hihintayin ka nalang namin dito! Para hindi na tayo pahinto hinto mamaya! " sabat naman ni Joy na isa pang naiinis na kanina pa.
"Oh eh bakit kayo galet?! "pabalang na sagot naman ni Seulgi.
"Bakit nga ba?! " sabay na sagot ni Jisoo at Joy na nanlilisik ang mga mata.
"To namang mga to! Sige naaa punta na tayo dun sa bagong resto balita ko dabes daw chickin dun! Diba Jisoo yun yung favorite mo? Tapos diba nagpapalibre ka sakin nung isang araw Joy? Tara na libre ko na lunch natin tara tara! " panglalambing ni Seulgi at mukhang effective naman.
"TALAGA?! CHIKIN?! SAAN?! " biglang pag amo ng mukha ni Jisoo.
"SINABI MO YAN HA! LIBRE MO! WALANG BAWIAN! " sabi naman ni Joy at agad hinatak si Seulgi sa sinabing resto.
"Jusko lord mapapasubo ata pera ko ngayon. Nawa'y patawarin ako ng aking ama at mukhang walang matitira sa card niya". Sabi ni Seulgi na siya namang kinatawa lang ni Lisa.
Ilang minuto pa ng paglalakad ay narating din ng magkakaibigan ang isang bagong bukas na resto na nabanggit. Hindi gaanong marami ang tao kaya di na nagdalawang isip na tumuloy ang mga ito at dahil na rin sa kadahilanang gutom na sila dahil sa sobrang bagal ni Seulgi na mamili ng mga damit niya.
Hindi maipagkakaila na maganda parin ang kainan na napili nila kahit kapansin pasin na kulang parin ito sa mga gamit tulad decorasyon at iba pa. Kahit pa ganon ay maayos parin at presentable ang lugar. Instagramable rin siya at may pagka cozy vibe.
"Hindi mo kami binigo sa lugar Kang pero siguraduhin mong worth it din ang chikin nila dito" sabi ni Jisoo.
"Wala akong problema sa pagkain basta ang importante libre to ni Seulgi." sabat ni Joy habang tahimik lang si Lisa na pinagtatawanan ang mga kaibigan.
"Hehehezz yes naman zerrr." kabadong sagot ni Seulgi kaya naman tinawag na nito ang waiter.
Maya maya pa ay dumating naman ang isang napakagandang babae hawak hawak ang list of menu patungo sa table ng magkakaibigan.
"Good morning ladies i'm here to take your orders and here's our menu." sabi nito at napaubo lang si Seulgi sa sobrang lapit ng babae sakanya.
Samantalang ang kanina pang gutom na Joy at Jisoo ay namili na agad ng kanilang kakainin at si Lisa naman ay pailing iling lang sa reaksyon ni Seulgi.
BINABASA MO ANG
I'M A MESS
Teen Fiction"JENNIE WILL YOU PLEASE LEAVE ME THE FUCK ALONE?!" pagtataboy ko kay Jennie na kasalukuyang sinusundan ako. "WHY DO YOU ALWAYS KEEP ON PUSHING ME AWAY?! " sagot naman niya kaya wala akong nagawa kundi huminto at harapin siya. "Do you actually know...