CHAPTER 3

778 17 0
                                        

Seulgi's POV

A few more hours of driving, finally we reached Joohyun's place. And by place I mean the Bae's mansion. If you're wondering why, my girlfriend doesn't have any condo just like us kasi she prefer to stay at their own house since isang anak lang naman siya and her parents are always out of the town so basically mag-isa lang naman siya sa bahay nila why not dun nalang daw mag stay which I personally agree with.

I look beside me and found my girl silently sleeping. Her head leaning on the window side while her arms crossed. Natawa lang ako ng bahagya sa ayos niya kasi ang cute cute niya. She really look like an angel when sleeping pero pag gising akala mo kung sinong tigre.

Bumusina muna ako sa harap nila for the guards to open the gate para naman maipasok ko na tong sasakyan. Hindi naman nagtagal ay agad binuksan ng guard yung gate kaya I immediately step on the foot pedal and parked the car nicely beside their fountain.

Hindi ko na ginising si Hyun, i'll just carry her right straight to her room kaya nagmadali akong bumaba ng sasakyan at umikot sa may front seat para buksan yung pinto. I carefully placed Hyun in my arms and carried her in a bridal style tsaka ko sinenyas sa butler nila na pakipasok nalang sa loob lahat ng pinamili namin at i-park nalang yung sasakyan niya sa garahe.

Kilala na ako ng mga butlers and maids ng mga Bae since lagi naman ako dito at open rin naman ako sa parent's ni Irene kaya dire-diretso lang ang pasok ko. Pagdating ko sa loob ay sinalubong naman ako ng head ng maid nila which is manang Ester.

"Nakuu ma'am Seulgi kailangan niyo ba ng tulong? " sabi niya and was about to call for the other maids pero agad akong humindi.

"No manang it's fine. Kaya ko na to, she's not that heavy naman so yeah. " sabi ko at nag smile.

"Nako jusko 'tong batang to dapat ginising mo nalang. " sabi pa nito and yes manang Ester is very close to Hyun if that's what you're asking for. Nasabi ko nga na palaging nasa work ang parents ni Hyun kaya si manang Ester na rin ang tumayong parang mama nito.

"Napagod po kakaikot sa mall eh tsaka naawa naman po ako kung gigisingin ko cute cute pa naman niyang matulog. Sige po akyat ko na po siya sa kwarto niya. " sabi ko.

"O siya sige sige at aayusin ko nalang yung mga pinamili niyo. Matutulog ka ba dito? " pahabol pa na tanong niya.

"Ah hindi na po manang, asikasuhin ko lang po si Hyun tapos uuwi na rin po ako. " sabi ko at nagtuloy na pag akyat sa hagdan.

(time skip)

Nandito na kami sa kwarto ni Hyun at naayusan ko na rin siya. I changed her clothes into pj's and lay her nicely on her bed. I check the time and it says 6:30 pm. Gabi na rin pala di bale kumain naman muna kami bago kami umalis ng mall and besides hindi naman gaanong kumakain si Hyun so baka dire diretso na rin tong tulog nito.

I gave her a kiss on her forehead for the last time before I observe her. She's still beautiful even if she's sleeping, sana all. I set her alarm on 5:00 am since yun naman talaga yung oras ng paggising niya, yep she's an early bird, a total opposite of me. Napailing iling nalang ako sa isip ko at lumabas na ng kwarto niya. Pagbaba ko ay naabutan ko si manang Ester. Tinanong ko kung saan niya nilagay yung mga pinamili namin ni Hyun since uuwi naman ako, kukunin ko na rin yung sakin at nagpaalam na. They even insisted na ihatid nalang ako ng family driver nila pero I kindly decline at sinabing magga-grab nalang ako since ayoko namang makaabala pa medyo makulit din sila kaya wala akong nagawa kundi pumayag.

After the long drive sa wakas at nakarating narin kami sa harap ng condo ko. Nagpasalamat muna ako sa driver bago ako bumaba at agad ng dumiretso sa loob. I put my stuffs down at the sofa and removed my shoes. I went straight to my bathroom to take a shower since naiinitan na rin ako.

I'M A MESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon