Seulgi's POV
It's been a month since nakipaghiwalay ako kay Irene. I never heard from any of my friends starting that day except for Lisa. Nakwento niya na nagkainitan sila ni Jisoo pati narin si Jennie at Rosé. Grabe daw kasi yung binitawang salita ni Jisoo kaya di na siya nakapagpigil at nabasag niya ang mukha ni Jisoo. She said she doesn't have any guilt inside her kasi sumobra na daw talaga si Jisoo that time at lumabas daw yung totoong kulay kaya bagay lang daw sakanya yon.
That same day din nag-leave na yung mag jowa sa GC which is Jisoo and Rosé, di rin nagtagal nag leave din si Yeri, Jennie at Joy kaya ang natira ako, si Ryujin at Lisa nalang. Pero wala na rin namang silbi kasi ang last chat ni Ryujin galit siya sakin kaya ang ending nag leave na rin ako. Napapaisip nga ako kung hindi ba ako nagpadala sa galit ko that time, at hindi ako nakagawa ng kagaguhan hindi ba ganon ang mangyayari sa barkadahan? Kompleto pa kaya kami sa ngayon? Sa totoo lang gustong gusto kong sisihin yung sarili ko pero napapaisip din ako na kung hindi nangyari yung araw na yon hindi rin nila malalaman yung totoong kulay ng isa't isa. Lalo na kay Jisoo. I'm so dissapointed at her.
Kinaumagahan non nag-utos ako ng mga tao para ipakuha yung sasakyan at motor na naiwan ko dun sa Uni. Nag-utos na rin ako ng tao para kunin yung mga credentials ko kasi wala na akong mukhang maihaharap sakanila lalong lalo na kay Irene kaya naisipan ko nalang mag transfer.
Akala nila nangibang lugar ako pero little did they know na from Ateneo, nag transfer lang ako sa La Salle. Pero ayos na yon at least akala nila malayo sila sakin, in that way hindi nila iisipin na may problema sila. Or worst baka hindi pa gumaan yung loob ni Jisoo baka atakihin pa yun sa puso kasalanan ko pa mahirap na. Lumipat na ngalang din ako ng condo thanks to my ever supporting dad.
And now, as i'm on my way to school dumaan muna ako ng Mcdo para mag drive thru, di pa kasi ako kumakain eh. Di bale malapit lang naman na sa school tsaka maaga pa naman. As I said my order sabi nila naubusan daw sila ng ice tea, soft drinks nalang meron eh hindi naman ako masyado sa soda kaya di bale na dadaan nalang ako ng 7/11. After I received my order dumiretso muna ako sa malapit na 7/11 para bumili ng drinks ko. Ayos na rin yon para makabili rin ako ng kakainin ko during classes.
Diniretso ko yung sasakyan ko sa likod ng 7/11 kasi may parking lot dun para sa mga costumer. After ko mag park pababa na sana ako ng may mamukhaan ako bigla kaya agad akong pumasok ulit ng kotse ko. Buti nalang tinted to kaya di ako makakakita tsaka agad akong sumilip sa labas ulit. Putangina mapapamura nalang talaga ako di ako nagkakamali, si Rosé yon kasama si— teka si Ryujin?
Pinagmasdan ko silang mabuti, papunta sila sa isang kotse na malapit lang sakin. Teka anong ginagawa ng mga yan dito? Eh ang layo layo ng La Salle sa Ateneo? Sabihin na nating bibili sila ng meryenda eh tangina nga taga Quezon yang mga yan mapapadpad dito? Tawagan ko kaya si Jin? Hmm. I was about do dial Jin's number pero nagulat ako sa nakita ko.
Putangina Ryujin pinned Rosé beside the car tsaka na hinalikan. Putangina? I was about to go in between them kasi baka pinilit lang ni Jinjin itong si Roseanne eh ang kaso agad ding pinalupot ni Rosé yung dalawang braso niya sa leeg ni Jinjin kaya napahawak na din ito sa bewang ni Rosé. What the actual fuck?
I get my phone and took a vid of what they are doing. Tangina ano to? Anong ginagawa niyo Jinjin at Roseanne?!
Umabot pa ng ilang minuto at natapos na rin silang maghalikan. After that humirit pa si Rosé ng peck sa labi ni Jinjin at sumakay na sila sa sasakyan tsaka pinaharurot na ito.
Nung makaalis na sila lumabas ako ng sasakyan para huminga. Putangina I can't believe what I just witnessed. Totoo ba to? Namamalikmata ba ako or what? But then napatingin ako sa taas at napansin na may CCTV na naka connect dun. Putangina I need to make sure na hindi yung mga tropa ko yun or else mawawalan ako sa sarili ko. I immediately went inside the store at pasimpleng kinausap yung manager. Gamitan lang ng powers to kaya ginamit ko yung pangalan ng tatay ko para ibigay nila agad yung gusto ko.
Hiningi ko yung copy ng cctv footage that time na pumasok sa mismong shop si Jin at Rosé up until nangyari yung sa parking lot and I asked him to delete that part at magbabayad ako kahit anong halaga. Madali lang namang kausap ying manager since kilala niya rin ata yung tatay ko. After he give me the flashdrive I handed him a cheque containing 500,000 thousand. That's already a half million kaya hindi na siya tumanggi.
After kong lumabas ng store dumiretso ako agad sa sasakyan ko at bumalik ng condo. Hindi nalang muna ako papasok ngayon araw I need a confirmation. Kailangan ko ng proof na yung mga kaibigan ko nga yung nakita ko kanina at itong flash drive na hawak ko ang tanging makakasagot ng mga katanungan ko. Sana nga lang mali ako. Sana nga lang namalik mata lang ako or sana malabo lang na namukhaan ko sila since tinted yung sasakyan ko. Shit hindi ko na alam ang gagawin ko pag napatunayan kong sila nga yon.
Mabilis naman akong nakarating sa condo ko at walang ano-ano'y dali dali akong pumasok sa loob at nilock ang pinto ko. I even closed the curtains kahit alam kong wala naman ibang makakakita ng ginagawa ko ngayon.
I quickly went to my study table and opened my laptop. Once it opened, nirefresh ko muna to bago sinasaksak yung flashdrive. After a few seconds of reading, nag pop ang isang folder containing the copy of that CCTV footage. Shit. Kinakabahan ako. Nakaopen naman yung AC pero sobrang pinagpapawisan ako.
I click the file and played it. Finorward ko na agad dun sa may parking lot kasi mas mamumukhaan sila dun kasi napakalapit lang naman nung cctv camera sa pwesto nila kung tutuusin. And once it played I felt my world fell apart. I paused the time na napaharap sila sa cctv camera and yes confirmed. Sila nga.
Putangina gusto kong magmura ng malutong. Anong ginagawa nila? Alam ba ni Jisoo to? Pero what if Jisoo and Rosé broke up na pala? How about Yeji? Putangina ang dami daming tumatakbo sa isip ko. Akala ko tapos na eh. Akala ko nag end na yung problema nung nag break kami ni Irene pero putangina bakit may ganito? Anong nangyayari sakanila? Anong nangyayari sa tropahan? Kasalanan ko ba lahat ng ito kaya sila nagkakaganito? Fuck.
Should I tell Jisoo about this? Pero baka kung anong gawin niya kay Rosé at Ryujin. How about I confront the two? Putangina naman. Bahala na.
![](https://img.wattpad.com/cover/219363611-288-k338335.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M A MESS
Novela Juvenil"JENNIE WILL YOU PLEASE LEAVE ME THE FUCK ALONE?!" pagtataboy ko kay Jennie na kasalukuyang sinusundan ako. "WHY DO YOU ALWAYS KEEP ON PUSHING ME AWAY?! " sagot naman niya kaya wala akong nagawa kundi huminto at harapin siya. "Do you actually know...