CHAPTER 2

992 19 0
                                        

3rd Person's POV

Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan na nilang umuwi para makapaghanda man lang ng mga kakailanganin nila para sa susunod na araw.

Dahil dalawang sasakyan lang ang dala dala nila (sasakyan ni Lisa and trops at sasakyan ni Irene and friends) napagpasyahan nalang magapalit ni Jennie at Seulgi para si Irene nalang rin ang maghahatid kay Seulgi pauwi o kaya ay dumiretso nalang silang dalawa sa condo ni Seulgi ganun rin kay Lisa at Jennie.

Bago pa makasakay si Lisa at Seulgi sa sakanilang mga sasakyan ay nagsalita muna si Lisa.

"Seulgi. I saved your ass twice this day and you know that I never liked what you did." pasimula nito.

"I know Lis. Kaya salamat ng marami I owe you one my friend. " masayang sambit nito at inakbayan pa si Lisa.

"I did that kahit labag sa kalooban ko pero dahil ayokong mag away nanaman kayo dahil sa kagaguhan mo, ginawa ko parin. Sinasabi ko na sayo Seulgi umayos ayos ka because that will be the first and last na pagtatakpan kita kay Irene. Isipin mo nga, ang swerte swerte mo kay Irene, sa dinami rami ng nagkakagusto sakanya she still chose you despite of your stupidness. If I were you, mag isip isip ka na at pahalagahan mo na siya kung ayaw mong magising ka nalang bigla isang araw ayaw na niya sayo. Think about it Kang, for now that's all I could give to you as an advice. Wag mo naman sanang sayangin yang ginto sa harap mo habang nag eenjoy sa mga bato sa paligid mo. " sabi pa niya tsaka iniwan si Seulgi at dumiretso na sa sasakyan niya.

Ilang segundo pa ang nakalipas bago matauhan si Seulgi ng marinig ang busina ng sasakyan ni Lisa at pagtawag ni Irene sakanya.

Seulgi's POV

Pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse ay tahimik lang ako. Buti nalang rin at hindi na ko pinansin ni Irene dahil siguro sa pagod din kakalibot sa mall kaya inandar ko na ang kotse tsaka pinatakbo.

Napaisip ako sa sinabi ni Manoban. Ganun na nga ba talaga ako kalala? Masyado na nga ba akong nagfofocus sa mga iba't ibang babae at napapabayaan ko na si Irene?

Biglang nag sink in sakin lahat bago pa maging kami ni Irene.

I was in grade 12 that time. Kakatapos lang ng practice namin sa sayaw na ipeperform namin sa isang contest na sasalihan namin. Si Manoban ang leader ng dance troupe namin nun dahil kumpara saming dalawa siya naman talaga ang pinakamagaling sumayaw.

Naupo kaming dalawa sa floor malapit sa salamin. Busy ako sa pag-inom ng tubig nun habang si Manoban naman ay busy sa cellphone niya. Wala pang ilang segundo ay tumayo agad ito at nagmadaling tumungo sa pinto para buksan ito.

Biglang pumasok ang isang magandang babae na may mala cat-eyes. Mas maliit siya kay Manoban at may dala dala siyang paperbag at tumbler ng tubig. Pinatuloy siya ni Manoban at agad agad naman itong pumasok at nilapag ang mga bitbit tsaka nilabas ang panyo para punasan ang pawis ni Manoban. Naalala ko na to, siya yung kinukwento ni Manoban sakin na may crush daw sakanya niya at nagustuhan niya rin bigla ng makilala niya ito sa sinet up din ng babae mismo na blind date nila.

"Tangina swerte naman ni master."

"Ganda naman ng chix ni master. "

Bulungan ng mga kagrupo namin at napailing iling nalang ako. Tumuloy lang ako sa pag inom ng isa pang bote ng tubig ng biglang may sumunod na pumasok. This time naibuga ko lahat ng iniinom ko at mamatay matay na ko sa pagkasamid dahil sa anghel na nakikita ko.

Isa pang napakagandang babae ang pumasok. Magkatangkad lang sila nung chix ni Manoban pero compare dun sa isa mas maamo siyang tignan. She looks so fragile pre, una mong maiisip talaga dapat siyang minamahal at inaalagaan hindi sinasaktan.

I'M A MESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon