CHAPTER 15

555 12 0
                                    

Third Person's POV

Natapos nang magperform ang lahat at masasabing JYP DC at YG ang pinakamaraming fans. First of all, dahil grupo yon ni Seulgi at Lisa.

Nasa iisang gilid lang ang dalawang grupo naghihintay for further announcement.

"Okay guys napagpasyahan namin na i-announce ang result after ng festival natin." sabi ng emcee kaya marami namang nagreklamo dahil gusto na agad nilang malaman kung sino ang nanalo.

"Oh sa last day pa ata yung announcement tangina pa suspense. " sabi ni Youngjae at umayon naman ang mga kasama nila except for Seulgi.

"Sussss ayos lang yan basta alam nating pasok na tayo sa top 2." sabi ni Sana.

"Luh anong pasok sa top 2? Sure win na tayo tanga. " sabi naman ni Dahyun at natawa na lamang sila.

"Oo nga! Buhat na buhat tayo nung special performance ni Seulgi at Tzuyu kanina. " hirit pa ni Woojin.

"Luh wag masyadong pakampante guys magaling din yung YG nakita niyo ba kung pano sumayaw yung center nila? Tsaka baka nakakalimutan niyo 2 consecutive years na silang nananalo. " sabat naman ni Tzuyu kaya nag boo naman mga kasama nila.

"Luh babe wala ka bang tiwala sakin? " sabi naman ni Seulgi at inakbayan si Tzuyu kaya napahiyaw nanaman sila.

"Siraulo ka kinareer mo naman pagiging jowa ko. " bulong ni Tzuyu at kinurot sa tagiliran si Seulgi.

"Wag ka ngang maingay. Tumitingin sila dito oh. Sumabay ka nalang. " bulong din ni Seulgi at sabay pa silang napatingin sa kabilang grupo pero agad ding umiwas ng mapansing nakatingin din sila dito.

"Hoy ano yang mga bulungan na yan ha? Tangina kung iniisip niyong dumiretso sa sogo mamaya wag niyo ng ituloy yang balak niyo ayaw ko pang magkaroon ng pamangkin. " panunukso ni Jihyo kaya naghiyawan nanaman ang mga kasama nila.

"Luh excuse me? Di namin kailangang mag SOGO may condo ako ulul. " sabi ni Seulgi at nakipag apiran naman sakanya yung mga lalaki.

Habang nagsasaya sila di naman maiwasang mapatingin ng kabilang grupo sakanila.

"Saya nila ha? Ano kaya pinag-uusapan? " tanong ni Ryujin.

"Baka cinecelebrate na nila pagkapanalo nila. Tsk masyado naman silang pakampante. " bira ni Jimin.

"Sa totoo lang nape-preskuhan ako sakanila. Porket kasama na nila si Seulgi yumabang na sila? " dagdag pa ni V.

"Luh oa niyo naman. Porket nagsasaya na sila pinag-uusapan na nila na sila yung mananalo? Di pwedeng nag-aasaran lang sila? " hirit naman ni Wendy.

"Ito napaka no jam mo. Crush mo ba si Seulgi ha? Edi lumipat ka na rin ng La Salle. " pambabara naman ni Suga.

"Sus selos ka lang eh. " hiyawan naman ni Jungkook at RM.

"Alam niyo tumahimik nga kayo. Napaka nega niyo. " pag-aawat naman ni Lisa sakanila.

"Oo nga tsaka kung maka backstab kayo kay Seulgi akala niyo naman hindi siya yung nagpanalo sainyo non. " irap ni Yeri sakanila.

"Ewan ko sainyo. Tara puntahan natin si Seul miss ko na yung gagong yun ayain natin ng lunch. " sabi ni Joy at inapproach si Seulgi kaya napasunod naman yung mga kaibigan niya sakanila.

Seulgi's POV

Busy kami sa pag-aasaran dito not minding the other team beside us ng biglang lumapit si Joy kasama si Yeri at nakasunod sa likuran nila si Jennie at Lisa na magka-holding hands tapos si Irene sa tabi ni Jennie.

I'M A MESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon