Alas 8 na ng magising ako, bababa na ako para kumain. Hindi kasi ako nakakain kagabi, panay beer lang kasi at popcorn ang sinusubo ko dito sa bunganga ko kagabi kaya, nagugutom nako.
Ambango ah,
"Manang, anong niluto mo?"
"Anong manang, si manag Maring nandon sa pool, nagswiswiming. Katatapos lang yan mag ML, eh mainit daw ulo kasi natalo kaya ayon, nag paka lamig lamig."
"So ikaw nag luto? Infareness mabango ah. Ano ba yang niluluto mo?"
"Itlog"
"Itlog nanaman?"
"Oo pero kakaiba to, mabango diba? Di katulad ng ibang itog mabaho, anlansa."
"Puro ka itlog, bilisan mo na nga dyan gutom na ako."
"Hmmm, maam may pumunta pala dito kanina. Vhong daw pangalan, halos paalisin nga ko dito sa bahay mo kasi hindi naniniwalang bisita mo ako. Sinabi ko na rin yung nangyari kagabi kaya ako nandito pero hindi naniwala. Tatawag na nga ng pulis para ipakuha ako dito kasi akala sakin mag nanakaw. Tinatanong nya kasi si manang Maring pero hindi naman sya sumasagot. Kaya sinabi ko Boyplen moko. Ayon naniwala masaya nga yon nung sinabi kung boyplen moko."
"Ha? boypren hindi pangakita kilala tapos boypren na kita. Aba tinde!"
"Maam, ginawa ko naman po yun para hindi ako mapaalis dito."
"Ginamit mo pa talaga ako."
"Sorry po, oh para hindi kana magalit kainin mo na tong itlog ko"
"Huh?"
"Tong itlog na niluto ko"
Hinainan nya ko ng fried rice at itlog na ewan hindi ko alam kung pano to niluto pero mukang masarap naman kaya keri na.
"Hoy ikaw ha kung maka asta ka kala mo kilalang kilala kita. Dinala lang naman kita dito para hindi mo ako matakasan don sa utang mo. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo tapos ngayon may pasabi sabi kapng boyplen kita? Napaka feeling mo."
"Ito namang si maam oh, hindi naman po ako masamang tao. Hindi naman ako gagawa ng masama sayo. At kung maging boyplen moko diba lamang na lamang kana gwapo naman ako, maganda naman katawan ko. Oh san kapa?"
"Alam mo ang feeling mo."
"Joke lang maam, sabihin nyo napo anong gagawin ko para mabayaran yung gasgas ng kotche nyo. Para maka alis nako dito, parang masakit naman pala sa kaluoban mo na dito ako makitira."
Ang drama din neto ha, pero totoo nga gwapo sya, maganda mga mata nya. Pang rich kid ang mukha nya, ang ganda ng tindig nya pwedeng pangmodel ang katawan nya. Perfect!
"So, dahil sinabi mo kay Vhong na mag on tayo. Kaylangan natin panindigan yun. Kasi hindi ko sinasabi sa mga kaybigan ko pangalan ng boylet ko kung hindi ako sure at feeling ko hindi kami mag tatgal. Pero ikaw dahil sinabi mo na, kaya dapat panindigan mo rin. Para mabayaran mo ang utang mo, kaylangan maging boylet kita ok?"
"May ganon bang trabaho? Panggap panggap lang? Magkano ba sweldo dyan maam"
"Wampipti"
"Wampipti? bat ang liit lang. Mas malaki pa kita ng pagbabalut ko dyan eh."
"Ganon naman talaga diba. Kya kya wampipti."
" Eh hindi naman ako bayaran ng mga bakla."
"Sorry, bakla ako kaya matatawag kanang bayaran ng mga bakla."