VICE POV.
Simula nung iniwan nya ako wala na akong ibang ginawa kundi mag walwal. Kasi ito lang ang alam kung pampalimot. Alak!
"Bestie, isang linggo kanang ganito. Hanggang kaylan kaba magiging ganyan? Halos hindi kana umuuwi sa bahay mo kahit sansan kana pumupunta nag aalala na kami sayo."Oo isang linggo na akong ganito kahit san lang ako pumupunta kasi pag nasa bahay ako naalala ko nanaman sya.
"Brad, ano ba talagang nangyari sainyo ni Ion? Sabihin mo na saamin para malaman namin ang totoo."
"Cutie pie, magsalita ka naman hindi kaba napapagod sa ginagawa mo?"
"Bestie napapagod narin kami araw araw kana naming nakikitnag ganito. Tignan mo wala na si K, napapagod narin kami para sayo."
"Kung pagod na kayo, iwan nyo na ako."
"Cutie pie hindi naman ganon ang pinapahiwatig namin. Ang gusto lang naming sabihin ay mismong kami na sumasama lang sa iyo araw araw pagod na ikaw pa kaya? Magpahinga kana umuwi kana sa bahay mo."
"Ayuko."
"Uuwi na dito si Anne bukas brad. Nag aalala sya sayo ng subra kaya uuwi naraw sya."
"Hindi, sabihin mo wag. Hindi ko naman kayo sinabihan na pumarito sa tabi ko."
"Bestie mag kakaybigan tayo dito, kahit anong mangyari dito lang kami sa tabi mo."
"Alam ko kung gaano ka gusto ni Anne sa Australlia, sabihin nyo wag muna syang umuwi dito."
"Hindi na Brad, nakakuha na sya ng ticket."
"Sabihin nyo icancel nalang ang flight."
"Ok sasabihin namin, pero sa isang kundisyon sabihin mo rin samin ano ba talaga nangyari bakit biglaan?"Ayaw ko ng balikan ang mga nangyari, pero naawa rin ako kay Anne, alam ko kung panoo sya kasabik maka balik sa Australlia. Ayoko ng makadamay ng iba kaya sige kahit ayaw ko sasabihin ko na ang totoo.
"Cge na ito na naawa narin ako sa inyo alam kung may karapatan kayo na marinig to pero pwede bang wag tido sa bar kasi napaka ingay baka hindi nyo masyadong marinig."
"Kung yan ang gusto mo bestie. Don nalang tayo sa condo mi Jhong tutal yun yung pinaka malapit dito."
"Sige cutie pie pweding pwede yun."
Umalis na kami sa bar at pumunta sa condo ni Jhong tahimik lang ako sa byahe. Iniisip ko kung pano ko sasabihin sa kanila na nagpapanggap lang naman talaga kami ni Ion.
Nakaupo lang ako sa couch ganon din sila naghihintay sa sasabihin ko.
Ok eto na sasabihin ko na ang totoo.
"Ang naging relasyon namin ni Ion ay hindi totoo." Kita ko ang mga pagtataka ng mga mukha nila nung sinabi ko yun.
"Bakit, bakit hindi totoo?" tanong ni Vhong.
"Ang pagkikita namin ay hindi ko inakala. Pumasok sya sa subdivision at sya ang naging dahilan kung bakit nagkagasgas ang mustang ko noon."
"Bat di ko yun na kwento sa amin cutie pie?"
"Kasi nadala na kami sa pangyayari, ito kasing si Vhong pumunta ng bahay. Walang nagawa si Ion kundi sabihing boyfriend ko sya para di sya mapaalis sa bahay.".
"Teka teka bestie? Bakit ngaba sya nasa bahay mo nun?"
"Inuwi ko sya, para di nya ako matakasan kasi gusto ko talagang ipakuha sya sa mga pulis nun kaso gabi na kaya naisipan kung ipagpabukas nalang. Para hindi nya ako matakasan dinala ko sya sa bahay. Sakto naman nung umaga nun hinatid mo Vhong ang cellphone kung niwan mula sa party natin kay Anne. Kaya nya sinabi na mag on kami kasi napagkamalan mo syang magnanakaw. Kasi diba alam nyo namang hindi ako basta basta nagpapapasok sa bahay kapag hindi ko dyowa."