ION'S POV.
Hindi ko alam kong karapatdapat ko pa ba syang makita. Hindi ko alam kong magiging ok ang lahat kung magpapakita pa ako sa kanya. Baka masaktan lang sya lalo.
Pero kaylangan nyang malaman ang totoo. Pinayagan naman ako nila kuya Billy. Sa resort nalang daw ni ate Anne kami mag kikita. Kasi ngayon din ang araw ng pagbalik nya sa Pilipinas.
Handa naba talaga ako? Sigurado akong pagnakita ako nun iiyak nanaman yun. Masasaktan nanaman yun.
Ito na talaga ang napaka laking kasalan sa buong buhay ko. Siguro galit yun sa akin. Pero handa akong saluin lahat ng mura at sampal na ibabato nya. Kung kaya kungang angkinin ang sakit na dala nya aangkinin ko.
Hindi alam nila ate Anne at K na pupunta ako. Tanging si kuya Vhong, Jhong at Billy lang. Sigurado akong magugulat sila sa akin. Hindi ko alam kung kaylan ako papasok at magpapakita sa kanila. Basta ang sabi lang ni kuya Jhong kahapon pagkatapos mag pakita ni ate Anne ako na ang sunod. Hindi ko alam kung anong oras yun.
Papunta na ako dun ngayon at katunayan malapit na ako. Lalo akong kinakabahan.
Hey, maytawag ka! Hey hey may tawag ka! Hey may ta-
Ipinahiram ni kuya Billy ang cellphone nya sa akin, masaya ako dahil kahit ganon pinagkakatiwalaan parin nila ako.
"Hello kuya Vhong?"
"Ion san kana, ikaw nalang ang hinaantay. Handa na ang lahat."
"Kuya ito na po malapit na, nakapasok na ho ako dito sa resort. San po ba ako magtatago?"
"Naalala mo yung malaking puno? yung pinagtaguan namin nung nag propose ka kay Vice? Don, don ka magtatago."
"Ok kuya Vhong."
"Wag kang mag alala alam na ni Anne at K na pupunta ka. Ok lang namn sa kanila walang aaway sayo dito. Maliban kay Vice di natin alam kung anong magagawa non pag nakita."
"Ok lang po kuya, handa po ako sa kahit na anong gawin nya sa akin."
" oh sige na bilisan mo. "
"Eto napo kuya nakapwesto nako dito."
"Ok mabuti sige na."
Binaba ko na ang tawag at nakatago na nga ako dito. Sumilip ako saglit at nakita ko kung saan ko mismo sinabi kay Vice na totoong mahal ko na sya. Sa lugar kung saan ko binigay ang singsing.
May mga picnic carpet at mga nakahandang pagkain pero wala pang tao.
Kinakabahan ako, pagnakikita ko ang lokasyon na yan naanalala ko nanaman kung gano kami ka saya ni Vice nung nagtapat ako sa kanya. Wala panga ako sa main event nitong araw na to tumutulo na ang luha ko. Pano pa kaya mamaya pagsasabihin ko na sa kanya ang totoo.
Mga ilang sandali pa, nakita kung papunta na silng lahat. May piring ang mga mata nya at inaalalayan naman sya nila kuya Jhong. Hindi ko nakikita ang saya sa mga labi nya.
Kahit malayo sya sa akin, kinakabahan ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung pano ako magsisimula.
Tama nga sila kuya, hindi na nga sya si Vice noon. Dahil alam ko hindi yun lumalabas ng walang make up. At lalong hindi yun lumalabas ng walang wig. Pero ngayon ewan, hindi ko inaakala na ganito ang epekto ng paglisan ko sa kanya.
Mga ilang sandali pa, tinangal na nila ang takip sa mata nya at bumungad si ate Anne, na may dalang wig. Isinuot nya ito kay Vice at niyakap ng subrang higpit, kahit nakatalikod si ate Anne sa akin ramdam kong umiiyak sya kasi pinupunsan nya mata nya.