Di ko inaakala na maglalakad ako ngayon ng ganito. Sa lahat na lakad ko sa buong buhay ko ito talaga ang pinaka paborito ko. Ito na ang pinaka memorable walk sakin kasi may isang lalaking hihintay at sasamahan ako sa ganitong okasyon ng buhay ko. Isang lalaking totoong minahal ako at ipinaglaban ako. Ang lalaking mangiyak ngiyak na hinihintay ako na makarating sa kanyang kinatatayuan.
Tulad ng pinangarap namin dito kami nagpakasal sa resort. Kaso hindi pa namin nabili yung kabilang side kasi kulang sa panahon gusto kasi ni Ion na magpakasal kami agad kaya dito nalang kami sa side ni Anne.
Si K, Mariel, Yael at Jhong ang aming bride's made at groom's men. At syempre si Anne ang aking maid of honor at dahil nasa Austrillia pa si Erwan si Vhong ang naging best man. Wala na kaming naging iba pang ring bearer kundi si Yorme ang anak namin. Nakakasaya lang sa pakiramdam kasi si Jackie at si Tom yung kinakasama nya ngayon ang magsisindi ng kandila namin ni Ion. Napakasarap lang sa pakiramdam kasi kahit papano nagrepresinta si Jackie biling parte ng kasal namin ngayon. Billy naman ang sumama ngayon sakin sa paglalakad dahil wala dito ang parents ko at dahil bestie ko sya, sya na ang nag represinta. Si Coleen naman ang kay Ion.
Tama na nga ang chika, andito nako sa tabi nya tumutulo ang luha nya kaya hindi ko narin napigilan yung akin.
"Babe, wag naman masyadong OA. Diba tapat masaya lang."
"Kaya nga babe, subrang saya ko lang kaya tumutulo ang luha ko."
Hinawakan na nya ang kamay ko at humarap kay father.
"We are gathered here, this afternoon with all mighty God and the precence of his witness. Who join together in holy matrimony, Ion and Vice. We are here to witness miracle of God's love and the power of holy spirit join the two into one."
Grabe yung saya ng puso ko. Noon pinapangrap ko lang to. Kasi hindi ko naman inaakala na 100% mamahalin ako ng mga lalaki kasi nga diba? Pero mabuti talaga ang panginoon kasi binigyan nya ako ng Ion. Binigyan nya ako ng makakasam sa buhay. Na kahit wala ang mga magulang namin ngayon. Tuloy parin, kahit may hidwaan pa si Ion sa kanyang ina hindi sya nagdalawang isip na ituloy to. Kasi isa lang naman ang dahilan ng lahat ng to. PAGMAMAHAL.
"Ion, do you take Vice to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?"
"I do."
"Vice, do you take Ion, to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?"
"I do."
" Since it is your intention to enter into the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church."
Ngayon na nga ang palitan ng vows.
"Vice babe, alam mo naman na simula palang mahal na kita. Hindi ko lang klaro na nasasabi sayo pero alam ko sa sarili ko na totoo na. Kahit alam natin napareho na sa itlog lang naman to nagsimula. Dahil sayo nabasag lahat ng itlog na paninda ko. Nakakatawa lang isipin dahil sa ganong paraan talaga tayo pinagtagpo ng diyos. Pero alam mo hindi ako nagsisisi, kasi ang kapalit naman ng mga nabasag kong itlog ay ikaw. Napakaganda talaga ng plano ng diyos, at isa ga don love. Kasing ganda mo ang tanawin natin ngayon. Babe sorry kasi kaylangan mo pang makaramdam ng sakit bago to. Kasi mahirap para sakin na takasan ang mga gusto ni nanay. Pasensya kana kasi naging mahina ako. Pero alam mo naman na mahal na mahal kita saksi sina kuya Billy, Vhong at Jhong. Kung pano ako umiyak, sa buong buhay ko noon ko lang ipinakita sa ibang tao ang luha ko. Pero sana wag mo ng isipin yun, ang mahalaga pinili natin ang naging masaya. Kahit hindi ko alam kaylan tayo naging official, kasi naman diba? Nagsimula lang naman tayo sa pagpapanggap hindi natin namalayan unti unti na pala tayong nahuhulog sa isat isa. Pero salamat kasi hinayaan mo akong mahalin ka. Pinapangako ko sayo babe, aalagaan kita sa abot ng aking makakaya. Pagsisilbihan kitat ipag luluto ng mga gusto mo. Basta ipangako mo lang na mamahalin moko. Kasi yun lang ang kaylangan ko para mabuhay. Ikaw lang sapat na, I love you Babe. Ikaw lang ang nagiisang prinsesa ng puso ko. Tandaan mo yan mahal na mahal kita. Pero diba napagusapan na natin to? Bawal ang umiyak, talo ang may pinakamaraming luha."