C13. The End.

529 19 8
                                        

Today is the day, wala akong ibang ginawa kahapon kundi ang kumain at matulog. Binawi ko lahat ng kulang na kain at tulog ko. Tama si manang ngayon pa ba ako magiging mahina?

Maaga akong nagising ngayon. Hindi para abangan nanaman si Ion. Kundi para ayusin na ang sarili.

Nangako na ako na hindi na ako iiyak talaga!. Hinding hindi na! kaya ko to, lalaban ako. Ipaglalaban ko ang nararamdam ko. Kahit ayaw na nya sakin.

Kahit anong sabihin nya hindi ako iiyak, kahit anong lumabas sa bibig nya hindi ako matatakot kahit sigawan nya pako sa mukha. Kasi wala naman dapat ikatakot kasi alam ko naman sa sarili ko na wala akong pagkukulang wala akong maling nagawa.

Alam kung umalis na sya, pumunta na yun sa resto. Pero alam ko namang babalik yun dito kasi hindi na sya papapasukin don.

Kaya alam kung maya maya babalik na sya dito.

Maaga din nagising si manang ngayon, sya ang gumising sakin kasi hindi pa nabibilhan ng battery ang alarm clock ko. Kaya si manang ang gumising sakin sabi ko kasi kay manang kahapon na haharapin ko na si Ion sa pamamagitan ng tapang yung hinding hindi nya makikita na kaawa awa nako. Suportado naman si manang kaya maaga syang nagluto. Nag fufunction lang naman yun ng tama pag kaylangan ko talaga sya. Tinabi nya muna ang pag eeML nya dahil ngayon sakin raw muna sya mag fofocus.

Naglagay ako ng super dark red lipstick para palaban. Hindi ako magpapatalo sa nga kilos ni Ion, dahil alam kong minahal nya ako. Ang kaylangan ko lang malaman kung bakit sya nagkakaganito. Alam kung may rason sya na hindi nya sinasabi sakin.

"Pst, nasa baba na sya kakarating lang." mahinang bulong ni manang ng pumasok sa kwarto.

Wala na akong sinayang na oras. Lumabas na ako ng kwarto bago pa sya makapasok sa kwarto nya. Nagkasalubungan kami sa hagdan. Si manang naman tuluyan ng bumaba at di na kami pinansin.

"Ion mag usap nga tayo."Straight na sabi ko sa kanya. Hindi ako nagbigay ng emosyon, at lalong hindi ako nagmukhang mahina. Sinabi ko yun ng buong tapang na walang kinakatakutan. Medyo nagulat naman sya ewan ko kung saan sa sinabi ko ba? o sa boses kung paos?

Nagkatitigan lang kami ng medyo matagal at hindi nya man lang ako pinansin umakyat sya ng tuluyan papunta sa kwarto nya. Pero syempre sumunod ako.

"Ion sawa nako sa ganito."Nakaupo sya sa kama at hinuhuban ang sapatos nya.

"Ikaw ba ang dahilan bakit hindi ako pinapasok sa resto." Sabi nya na parang galit? naparang malungkot na ewan diko rin mabasa ang emosyon nya. Kasi hindi sya nakatingin sakin.

"Kung sasabihin kong oo sasagutin mo naba ang mga tanong ko?"

"Kaya ba hindi ako pinapasok dun para umuwi ako dito at makausap mo?"

"Hindi paba halata Ion?"

Ganon patin nag mga boses namin nanatiling mga palaban, ni isa samin hindi nagpapakita ng totoong emosyon.

"Pwes ano bang gusto mong malaman para matapos nato."

"Ano bang problema natin?"

"Wala namang problema. Kasunduan lang naman to diba? Bakit parang dinidibdib mo ng subra? Vice gusto ko lang magising ka na laro laro lang to. Masyadong naniniwala ka sa mga sinasabi ko." Shit! ang sakit ng sinabi nya. Ito na yung kinakatakutan ko na ipapaalala nya sakin na kasunduan lang ang lahat at wala ng mas hihigit pa. Ayaw kung marinig yun hindi ko inaasahan yun. Tama! ako lang pala ang nag seryoso.

"Ayos na ayos babe, tingin naman sa akin babe. Ops ops, fucos tingin sa akin. Sa akin lang wag na sa iba." Naalala ko naman ang mga walang kwentang pinagsasabi nya noon.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon