C0. Mahal ba kita?

1.8K 23 18
                                    

VICE POV.

"Tama na Vice, ayaw ko na tapusin na natin to!"

"Bakit ba Ion? Bakit kaylangan pang tapusin? Pwede naman nating simulan yung totoo na."

"Wag na Vice, tama nato."

"Ion tandaan mo may utang kapa sa akin"

"Tandang tanda ko pa naman Vice. Kaya nga ako nandito, nagpapaalipin sa iyo."

"Nagpapaalipin? Satingin mo alipin ang turing ko sayo?"

"Nandito lang naman ako diba, dahil sa sasakyan mong nasira ko?"

"Matagal nanaman yung bayad Ion. At hindi ko naman yun sineryoso, infact I can buy you a lot of it. Kaya nga nagtagal ka sa kin kasi, sinadya ko kasi mahal na kita! Kaya tama natong lukuhan nato at seryosohin na natin to."

"Mahal mo ako? Ako ba tinanong mo kung mahal din kita? Vice napaka selfish mo! Matagal na pala akong bayad dun sa kotche mo tapos, bakit pako nandito sa tabi mo?"

"Ion, kasi nga mahal kita. Gusto kitang makasama araw araw."

"Ang tanong mahal ba kita Vice?"





Ang tanong mahal ba kita Vice?






Ang tanong mahal ba kita Vice?





Ang tanong mahal ba kita Vice?









Paulit, ulit na naririnig ko, para bang isang sirang plakang naiwan sa utak ko. Ang sakit marinig ng mga katagang iyon. Ang sakit! Masakit masaktan, masakit iwan! Masakit malaman na ang taong mahal mo ay hindi pala nagmamahal sayo. Masakit pakingggan ang mga salitang hindi ko inaasahan. Inaasahang lumabas sa bibig nya at sukuan ako.

Sya ang lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko. Ni minsan hindi ko inakalang magiging tooto ang nararamdaman ko. Kasi hindi naman talaga ganon ang plano! Pero bakit? bakit parang ako pa ang agrabyado?

Bakit ko ba kasi sya minahal? Pwede bang turuan ang puso at sabihing maghanap ka nalang ng iba dyan? Kaso hindi eh, kahit anong pilit kung takasan masasaktan at masasaktan rin ako. Kahit anong pigil ko! matatapos at matatapos din tong relasyon nato.

Kasi hindi naman talaga to totoo, isang laro lang to. Larong nagpapahamak sa puso ko ngayon. Bakit ko pa kasi hinayaang pumasok sa buhay ko si Ion? Yan tuloy  mukhang hindi lang sya sa buhay ko nakapasok, parang sa puso ko rin.

Tumatatak sa utak ko ang katagang "Mahal ba kita?" Ang sakit naman marinig yun. Hindi ko ba deserve ang mahalin. Hindi ba ako ka mahal mahal?! Bakit ba kasi kaylangan mangyari to. Kung kaylan nahulog na ako ng husto dun pa talaga matatapos to.

Pa fall kasi tong si Ion, hindi ko napigilan kaya nahulog ako. Kaso ang hina nya kasi hindi nya ako sinalo, kaya ngayon basag na basag na ako.




Ganito kasi yan eh, ganito nag simula yan!











AN
Hello mga friends, chapter 1 ongoing.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon