C6. Terrence?

528 15 6
                                    


Aray, bat parang hindi ako makahinga. Ang bigat bigat ng tyan ko. Ang totoo? buntis bako?

Minulat ko ang mga mata ko para makita anong nangyayari bat di ako makahinga ng maayos.

Ayoowwnn! Pinatungan lang naman ako ng dalawa. Kung maka yakap to parang ako naman ang asawa nila.

Napagitnaan ako ni K at Anne, dito sila sa kwarto ko natulog. Si Billy at Jhong naman sa isang guest room, si Vhong nandon sa kwarto ni Ion.

Oo nga pala, ngayon pala pupunta si Ion sa kumpanya ni Ryan para sa photo shoot.

Anong oras naba? baka ma disapoint si Ryan kapag hindi sya pumunta ng maaga.

Tama, naubusan na pala battery alarm clock ko. Hindi ko naman to ginagamit kasi wala namang dapat igising ng maaga kasi wala naman akong trabaho. Isa rin kasi to sa katangahan ni manang Maring eh. Inutusan ko kasi syang bumili ng orasan bumili nga alarm clock naman. Kaya ayon dito ko nalang nilagay sa kwarto imbis gusto ko sanang ilagay sa sala.

Unti unti ko tinanggal ang kamay at paa nilang nakapatong sa akin. Kinuha ko yung cellphone ko sa table at tinignan ang oras.

Mag aala sais na pala.

One new message.

Tinignan ko kung san galing yung message pero unregistered naman ang number.

Babe, sorry hindi na ako nakapagpa alam. I'm on my way na papunta sa kumpanya ni Ryan. May niluto ako dyan, sorry dahil pinakialam ko cellphone mo kanina. Pero wala naman akong ibang ginawa, kinuha ko lang naman number mo para ma contact kita.

Si Ion pala, papunta na pala sya kay Ryan. Ang aga nya palang nagising kanina. Sure akong pagod payon kagabi,  halos maluwa nya nga buong internal organ nya dahil sa mga rides.

Ano kaya sinuot nun, halos lahat kasi ng binili namin na damit nya nung nakaraan puro pambahay lang. Ano kaya sinakyan nun, hindi man lang ako ginising.

Lumabas ako saglit at tinignan kung may ginamit ba si Ion na sasakyan ko papunta kay Ryan. Pero pag tingin ko kumpleto parin. Ano bang sinakyan nun, wala namang taxing dumadaan dito sa subdivision at malayo pa ng high way dito. Yung lalaking yun talaga hindi man lang sinabi na aalis na, siguro naglakad yun.

Pumunta nako sa kitchen para matignan ang niluto nya, sabi nya kasi nakapag luto na sya.

Pag tating ko sa kitchen nakita ko si "Jhong!?"

"Morning cutie pie, kain tayo."

"Nauna kapa talagang kumain sa niluto ni Ion ha."

"Hihihihi, napadaan kasi ako dito kanina. Mag  ccr sana ako tapos na amoy ko to, ang bango kasi kaya nakikain na ako."

"Ayooonn, kagaling!"

"Good morning guys, gising naba sila?!" Sigaw ni Anne na bumababa sa hagdan.

"Sa lakas ng boses mo Anne natural gising na gising na sila."

At ayon na nga nagising na ang lahat, kanya kanya ng kuha ng plato at kumain na kami.

"Si manang Maring ba nagluto nito sis? Ang sarap ah."

"Hindi! si Ion nagluto neto. Si manang Maring natural hindi pa yun gising dahil siguradong puyat nanaman yun sa kaka ML."

"Anong hindi gising, nakita ko nga sila ni mang Nonoy kanina. Naglalambingan nanaman."

"Sinabi mo pa kuys Jhong, nung lumabas ako kanina para tignan ang sasakyan ko. Narinig ko silang dalawa nag bibaby talk." Nandidiring sani ni Vhong.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon