C15. Bye

514 18 6
                                    

Hanggang kaylan ba to matatapos? Napapagod narin ako sa mga ginagawa ko araw araw. Pag gising sa umaga punta sa trabaho, pag uwi sa bahay diretso sa kwarto.

Wala na akong ibang ginawa kundi iwasan sya. Wala na akong ibang ginawa kundi dedmahin ang mga sakit na dinadala nya.

Siguro mas mabuti pang mag resign nako sa mga trabaho ko. Maslalo ko pang pinapatagal ang sakit kapag mag patuloy pako sa mga ginagawa ko. Mag papasalamat nalang ako sa mga tulong nila sa akin lalo na kay Ryan. Dahil sa kanya naging ganito ako ngayon. Utang na loob ko at karangalan ang makapagtrabaho sa kumpanya nya. Pero kahit sayang tatapusin ko na ang koneksyon ko sa kanya. At kay ate Anne din, malaking tulong binigay nila sa akin ni kuya Erwan dahil sa kanila nakakapadala ako ng regular kay nanay. Pero alam kung hindi na ako mag tatagal dito kaya tatapusin ko na rin ang trabaho ko sa resto.

Tatapusin ko narin yung sa amin ni Vice, ito na siguro ang tamang panahon para magpaalam. Magsisimula na ako ng panibagong buhay sa Tarlac na hindi ko sya kasama. Sana tanggapin ulit ako ng nanay ng anak ko para maging buo ang pamilya namin. Kakalimutan ko nalang ang naging buhay ko dito sa Maynila. Magsisimula ako ng bagong buhay kasama ang anak ko at ang mama nya.

Makakaya ko rin naman yun, at makakaya rin naman siguro ni Vice kung sakaling tuluyan na akong umalis.

Sana mapatawad ako ng anak ko kung ano man ang nagawa ko. Sana magiging ok parin ang pakikitungo ni nanay sa akin kahit alam kung hindi nya nagustuhan ang ginagawa ko dito sa Maynila.

Ang malas lang talaga namin ni Vice, bakit ngayon pa. Bakit ngayon pa kami hinayaan ng panginoon na magmahalan. Sana noon pa, nakita ko na sya. Hindi naman ako nag sisi na nagkaroon ako ng anak. Pero nanghihinayang lang talaga ako sa pagmamahal ko kay Vice.

Hindi ko sya minahal dahil mayaman sya at lalong hindi ko sya minahal dahil may utang ako sa kanya minahal ko sya dahil mahal ko sya. Minahal ko kung ano man ang pagkatao nya. Mabait sya, pinagkatiwalaan nya ako kahit hindi nya ako kailala. Kahit hindi nya alam ang buhay na naiwan ko sa Tarlac. Sana talaga mapatawad nya ako.

"Manong dito nalang ho ako."

"Ok sir"

Inabot ko na ang bayad sa taxi driver at pumasok na sa building ni Ryan. Mamimiss ko to, pero alam ko namang hindi na ako makakabalik dito. Baka huling pagkikita nanamin to ni Ryan.

"Nasan si Ryan?" Tanong ko sa secretary ni Ryan ng nakapasok ako sa opisina nya.

"Nako sir, sayang hindi kayo nakaabot kakaalis lang may importanting meeting po."

"Ah ganon ba sayang naman. May papel kaba dyan at ballpen narin?"

"Yes sir, ito po oh."

Ryan si Ion to, sayang hindi kita naabutan. Hindi na ako pagpapatuloy sa pagiging model dito sa mga prudokto mo. Sorry alam kong napirmahan ko yung kontrata pero hanggang dito nalang talaga. Salamat sa magandang trato mo sa akin kahit sa kunting panahon na nagsama tayo. Alagaan mo ang mommy mo, wag na wag mo syang pababayaan. Tulungan mo syang maging masaya mahal ko yun.

Inipit ko nalang sa isang folder yung sulat ko para kay Ryan. Nakakalungkot, kala ko pa naman magkikita kami sa huling pagkakataon.

"Mauna nako, Don."

"Sige po sir."

Lumabas na ako sa kumpanya ni Ryan at pupunta na ako sa resto para mag paalam narin sa mga katrabaho ko. Maglalakad nalang ako hindi naman kalayuan ang resto dito. At sanay naman akong maglakad kasi araw araw ko tong ginagawa. Hindi pa naman ganon ka sakit ang tama ng araw kasi medyo maaga pa.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon