C17. Buhay sa Tarlac

449 12 5
                                    

ION'S POV.

Mahigit isang linggo na ko dito sa Tarlac. Kung anong buhay ang naiwan ko dito noon ganon parin ang binalikan ko. Sa pang araw araw ako ang naglalako ng mga bibingka't kahit anong kakanin na niluluto ni nanay.

Yung perang naipon ko mula sa trabaho ko noon ipinatayo ko ng maliit na tindahan.

Balak ko sanang mag apply ng trabaho kasi alam ko namang hindi ganon ka lakas ang benta ng tindahan. Gusto kong magtrabaho para makaipon akot mabayaran lahat ng tulong na binigay ni Vice saakin.

Umalis ako sa bahay nya ng walang dala. Iniwan ko lahat ng mga gamit ko don. Wala naman akong karapatan na dalhin ang mga yun kasi sya naman ang gumastos nun.

Gusto ko pag magkita kami ulit handa na akong bayaran at pasalamatan lahat ng mga tulong nya. Sana rin pag dumating ang panahong yun napatawad na nya ako.

Sa ngayon ayos naman ang buhay ko, kasama ang anak ko at ang mama nya. Oo nagsasama na kami ulit nung mama nya. Kasi kinausap kami ni nanay, ayaw nya rawng lumaki ang anak kong hindi boo ang pamilya.

Nung tatlong taong gulang palamang si Aaron nag hiwalay na kami ng nanay nya. Kasi puro away lang napapala sa relasyon namin. Selos kasi sya ng selos. Sumasali kasi ako noon ng mga modeling contest dito sa baranggay minsan dumadayo ako sa ibang lugar. Hindi naman maiiwasan na may ma pair up saaking ibang babae kaya ayon selos sya ng selos. Binibigyan nya ng malalim na kahulugan ang mga paghawak ko sa ibang bababe.

Pero ngayon ok naman pagsasama namin. Ok na hindi ewan ko bahala na, ang importante naman saakin ay maging ok ang anak ko.

Nagpapansinan lang naman kami ng nanay nya kapay kaylangan kapag may tanong sya kinakausap nya ako. Pag may tanong naman ako dyan ko lang sya kinikibo. Nagsasama kami sa isang bahay na parang hindi namin kilala ang isat isa.

Ewan ko ba kung bakit pinipilit ni nanay na magbalik kami sa piling ng isat isa. Mas nahihirapan lang kami sa sitwasyon. At ang mas ikinalulungkot ko ipapakasal na daw kami ni nanay ngayong darating na fiesta. Makisali nalang raw kami sa kasalang bayan ang importante raw eh makasal na kami.

Wala naman akong magawa kasi ai nanay na ang nag sabi.

"Bingka kayo dyan." Ito ang palagi kong sinisigaw. Inilalako ko to dito sa baranggay. Minsan nga hindi na ko na  mailalako kasi sa bahay palang ubos na.

"Pogi bili ako." Sya si Danica, palagi nya akong inaabangan dito sa labas ng bahay nila. Minsan inuubos nya lahat paninda ko.

"Ilan ba sayo Danica?"

"Ubusin ko na yan pogi." Oh kitams, ganyan ka pang akit ang kagwapuhan ko.

"Oh eto Dan, labing dalawang balot. 240 yan lahat."

"Oh eto pogi, 500 keep the change."Mayaman to, kasi anak to ng kapitan ng baranggay namin.

"Salamat Dan, oh sya mauna nako ha."

"Bye pogi balik ka bukas."

Pa balik na ko sa bahay hindi naman ganon ka layo ang lalakarin ko kase dito palang ubos na ang paninda ko.

Minsan sumasama ang anak kung si Aaron pero hindi naman talaga Aaron tawag namin don sa  batang yun. Yorme na ang naging pangalan nya kasi kung mapagsalita yung batang yun parang matanda na. Mag pipitong taong gulang pa lamang sya. Ngayon, dahil walang pasukan sumasama sya sakin. Pero dahil nawili sya sa paglalaro kanina hindi na nakasama.

Ang lusog ng batang yun medyo nagsisi nga ako bakit sarisari store tung tinayo ko. Kasi medyo lugi na ako kakakain ni Yorme. Grabe talaga yung batang yun. Pero sya yung dahilan kung bakit nagsisikap ako.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon