"Hoy, bakla gising. May naghahanap sayo sa labas."
"Bakla,"
"hmmmmm"
Basag trip naman tong si manang Maring, inaantok pa ako. Kay aga aga, nandidisturbo.
"Kabayo gising!"
"Ano ba manang Maring, ang aga aga nang gugulo ka nanaman. Ihanda mo nalang ang umagahan susunod na ako."
"Eh kasi, nasa baba buong tropa mo."
hoowwaatt? anong oras na ba?
"Ha? 5 am pa naman bat nandito sila?"
"Ewan? Bahala kana dyan may laban pa ako sa ML."
Kainis, wala pa akong ligo.
Nag mouth wash muna ako at lumabas sa kwarto.
Ayoownn, nandito nga ang lahat. Mga walang hiya talaga, kung maka panuod ng tv parang sila may ari ng bahay. Nahiya ako mamang.
"Ano bang ginagawa nyo dito?"
"Ooyy,, bestie good morning!"
"Oh eto brad, juice at popcorn oh. Nuod ka muna dito ganda ng movie oh."
"Wag na nahiya na ako Vhong, hiyang hiya na ako."
"San ba boylet mo sis?"
"Ayon kasi kay Vhong dito daw tumitira boyfriend mo Vicey. Bat hindi mo sinabi sa amin na live-in na pala kayo?"
"hmm kasi an--"
"At tsaka ayon din sa kwento ni Vhong cutie pie, gwapo raw yung boylet mo. San mo napulot yun?"
"Ano sis, sagot dali!"
"Hmm kasi nakita ko sy--"
"At ayon din sa nakita ko brad napaka sweet nya, sya pa talaga nagluto ng umagahan. Eh nandyan naman si manang Maring."
So pano ako makakasagot kung singit sila ng singit?
"Eh alam nyo na---"
"Sis! sya bayong pababa ng hagdan? Ang gwapo! anong pangalan nya?"
Pababa na nga si......si..... si? Ano bang pangalan nya? Tama hindi ko nga alam panggalan nya.
"Hoy! sis ano pangalan?" Eto namang si Anne atat na atat eh.
"Ahhh, ano hmmm ano, ahh Ion. Oo tama Ion pangalan nya."
"Hi Ion, halika muna dito pare."
Tawag ni Vhong kay ewan ko, imbento ko lang naman yung Ion.Mukhang na bigla naman sya, hindi nya siguro inakala na naging Ion na ang pangalan nya.
"Hi po, kuya Vhong" bati nya tapos pumunta sa deriksyon namin.
"Morning babe" hindi ko inasahang sasabihin nya yun sa harap ng lahat. Ayaw kong aminin pero kinilig ako dun huh.
"Naks naman, sweet" Kilig na kilig
naman sila Anne at Karylle,"Usog ka kuys, baka maapakan mo buhok ni bestie. Ang haba eh.".
Tawang tawa naman ang tatlong lalake."Ion," Nilakihan ko sya ng mata para makisabay nalang sa trip ko. Tinaasan rin nya naman ako ng kilay kaya gets nya na siguro.
"Ito nga pala tropa ko, oh eto si Vhong kilala mo na sya kasi sya naman ang naka bisto sayo kahapon diba? Pango! lang ilong nyan, pero--"
"Hoy grabe ka naman brad! kung maka pango naman eh,"