C8. Ring

480 18 2
                                    

"Babe, tara na bilisan mo na dyan."

Tawag ko kay Ion, kasi magpapagupit sya ngayon. Kaylangan maaga kami umalis, kasi pupunta pa kami sa resort nila Anne para sa picturial. Sabi kasi ni Anne dun na daw kami magtatanghalian. Alas otso na ng umaga nakapagbihis nako. Hinihintay ko nalang si Ion para maka alis na kami.

"Babe, tara na." sabi ni Ion na ang gwapo gwapo sa suot nya.

"Naks, ang gwapo ng babe ko ah."

"Syempre naman para mapantayan ko ang ganda mo." Sabi nya sabay kindat.

Hanggang ngayon, hindi parin na alis pagkabolero nito.

Sumakay na ko sa kotche napagawa ko na yung mustang ko kaya ito yung ginamit namin ngayon.

"San ba tayo babe?"

"Mas maganda dun sa barbero blues babe. Mas maganda service don. Don kana lang magpagupit."

"Ok babe."

Tahimik lang kami sa byahe. Wala pa kaming agahan kasi late na kami na gising si manang kasi hindi nagluto. Pero asa pa ko, hindi naman talaga nagluluto yun pag di sya naka feel ng gutom. Hindi nga naglilinis ng bahay, naglilinis lang pag bet nya. Pero kahit ganon di ko parin sya kayang tanggalin sa trabaho. Kasi sya yung nasa tabi ko palagi kapag umiiyak ako. Sinasabi ko madalas na wala syang kwenta pero, may halaga sya sa akin. Sa twing iiyak ako, at lasing na lasing na pag uwi. Sya ang nag aalaga sakin. Pinapagalitan nga ako nun pag iniiyakan ko ang mga lalaki. Kahit ganon si manang Maring mahal ako nun.

"Babe, san ba mga magulang mo? At bakit ikaw lang mag isa sa bahay mo wala kabang mga kapatid?"

"Ang mga magulang ko nasa ibang bansa, may negosyo sila ron. Hanggang ngayon sila parin ang gumagastos sa kin. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, bata parin tingin nila sakin. Willing naman akong mag trabaho, kaya ko naman mag tayo ng negosyo. Pero siguro mahal lang talaga nila ako, kasi ako lang ang nag iisang anak nila."

"Ang swerte mo no? Ikaw lang pala isa ang anak. Hindi ka ba nangungulila sa kanila babe?"

"Nagbabakasyon naman ako don, paminsanminsan."

"Ahh,"

"Ikaw ba? Ilan ba kayo mag kakapatid?"

"Nako, madami kami babe. Kaya nga kaylangan ko makapagpadala kay nanay bwan bwan kasi may mga kapatid pakong nag aaral. At salamat kasi dahil sayo, malaki laki ang napapadala ko sa kanila."

"Wag ka ngang magpasalamat, deserve mo yan."

Nginitian nya lang ako at nag park na. Nandito na kami, gutom na ko. Ipinagbukas nya ako ng pinto at lumabas na sa kotche.

"Babe, ma una kana don. Bibili lang ako ng pagkain natin nagugutom na kasi ako."

"Sura ka babe? Ok lang sayo, pwede namang sabay na tayo."

"Ion, wag na. Ako na kaya ko naman. Mauna kana don, bibili lang ako dito."

"Sige babe, ingat."

-

-

-

Pagkatapos kung bumili ng pagkain tinake out ko na. Sa kotche nalang ako kakain habang nasa byahe kami papunta sa resort ni Anne.

Pumunta na ako sa barbero blues, ano kaya pinagupit nun. Masyadong mahaba na kasi buhok nya.

Binuksan ko ang pinto at pumasok na daladala yung nga pinamili ko.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon