Nandito na kaming tatlo sa lokasyon kung saan ko nakita si Ion kahapon. Nakatago kami dito sa parang isang tambayan waiting shed siguro to. Ganong oras parin, naisipan kasi naming umaga pumarito. Pero hindi lang kami ang nandito, may kinuha rin kaming tao na kukuha kay Ion. Oo kukuha kay Ion. Mga trabahante ni Jhong sa bar. Naisipan naming humingi ng tulong sa mga bouncer. Plano kasi naming kidnapin si Ion.
Yun lang talaga naisipan namin paraan para makausap namin sya ng matino. Pero hindi naman namin sya sasaktan. Gusto lang talaga naming malaman ang katotohanan.
Hindi na kami punta kung saan man si bestie kahapon. Kasi baka ano pang masabi namin sa harap nya. Lalo natong si Vhong na ayaw magpapigil baka mabigla si bestie at tuluyan nayong hindi makapagsalita.
Kaya ngayon naghihintay na kami kay Ion baka sakaling babalik sya. Pero sigurado naman akong babalik yun dito. Hindi na kami pupunta don kung saan ang bahay nya. Kasi alam ko namang paalisin lang kami nung maldita nyang asawa nya kuno. Sana naman hindi yun totoo.
"Billy, tumawag na saakin ang tao ko. Nakita naraw nila si Ion. Hinihintay lang daw nila ay tamang tyempo."
"Mabuti naman kung ganon. Vhong nahanda mo na ba ang sasakyan?"
"Oo kuys nahanda ko na don sa kanto. So tara na sakay na kayo dito sa motorsiklo ko para mabilis tayong pakapunta ron."
Sumakay na kami at hihintayin nalang namin kung kaylan i hatid ng mga tao ni Jhong si Ion dito sa Van. Wala naman kaming balak na lumayo pa, dito lang kami sa loob ng van mag uusap sabik na kasi kami sa mga isasagot nya. Ayaw na naming patagalin pa.
Mga ilang sandali pa may kumatok na mula sa bintana ng van. Pinasok na nila si Ion na ngayon ay ma takip ang matat baba. Sorry Ion hindi namin to intensyon pero kaylangan.
"Hhhgggmmm, Hggmm." yan laman ang naririnig mula sa kanya.
Tinanggal ko na yung mga nakatabon sa mga parte ng mukha nya. Gulat na gulat sya nang makita kami.
"Ion, kumusta, kumusta buhay may asawa." Ito talagang si Vhong.
"Kuys, hayaan mong ako nalang ang mag tanong."
"Ion, pasensya na kung ginawa namin to sayo. Gusto lang talaga naming malaman ang totoo. Hindi ka namin sasaktan."
"Ang tanong lang naman namin ay bakit?"
Tahimik lang sya pero naluluha ang mata nya. kahit nakayuko sya nakikita ko sa ekspresyon ng mukha nya ang lungkot.
"Ion alam mo naman siguro kung anong ibig sabihin ng bakit ni kuys Billy." Sabi ni Jhong
"Ion magsalita ka!"
"Vhong relax,"
"Ion sabihin mo naman samin oh, kasi awang awa na kami sa kaybigan namin. Simula nung umalis ka puro inom lang ang ginagawa. Halos mangayayat na kasi ayaw man lang kumain. Halos hindi na nga makapag ayos ng sarili. Ion please naman oh kahit yung rason mo lang. Maawa ka naman sa kaybigan namin. Kung hindi mo kayang balikan sya atleast man lang malaman nya kung bakit. Kasi sawa na kami na makita syang ganon. Hindi na sya umuwi sa bahay nya, pagod na kaming makita syang ganon. Ayaw naman naming mamatay sya dahil wala ng kain kain. At napakaayaw namimg mamatay syang malungkot. Tapatin mo nga kami minahal mo ba talaga kaybigan namin? Totoo bang asawa mo yung babae kahapon? Sumagot ka please."
Ganon parin nakayuko lang sya, ni hindi man lang kami tinitignan.
"Ion ano? Hahayaan mo nalang pang mamatay si cutie pie sa sakit?"