C21. Di Kita Mahal!

558 22 24
                                    

Ilang araw narin ang nakalipas simula nung huli naming pagkikita ni Vice. Hanggang ngayon di ko parin mawala sa isip ko ang mga eksena.

Hinding hindi ko malilimutan ang araw na yun. Kasi don ko na pinutol ang lahat nanamamagitan sa amin ni Vice. Pero syepre tutuparin ko parin ang pangako ko sa kanya. Na kahit ikasal ako sa iba, mananatili sya sa puso ko. Mananatiling sya ang mamahalin ko. Hindi ko man maipaglaban ang pagmamahalan namin. Ang importante alam kong sya lang. Sya lang ang kaing iibigin.

Pero kahit na anong gawin ko may bumabagapag parin sa isip ko. Ayaw kong magpakasal sa babaing hindi ko naman mahal.

Disperas na ng fiesta at bukas na ang kasalan hindi pa ako handa. Kung ano man ang mangyayari bukas malaking disisyon yun ng buhay ko.

Gustuhin ko mang hindi matuloy ang kasal pero nahanda na ang lahat. Ngayon pumupunta ako sa bahay ng magiging ninong at ninang ng kasal tinatanong ko kung ok lang ba sa kanila na maging parte ng kasal namin ni Jackie.

"Tao po, manang Conie tuloy po ba pagiging ninang mo?"

"Nako Binigno, nauna na ang pinsan mong si Almerio nakapag oo nako sa kanya. Pasensya talaga."

"Ok lang po, sige ho buburahin ko nalang pangalan mo dito. Mauna napo ako. "

"Sige, pasensya talaga ha."

"Ok lang po."

Ika limang bahay ko na yun, halos silang lahat may pinag ninangan na sabay sabay kasi ang kasal bukas kasi kasal ng bayan lang naman yun hindi naman yun bunggang kasalan.

Maaga ang kasalan bukas, ilang oras nalang. Isang gabi nalang magiging asawa na ako. Hindi pa ako handa, hanggang ngayon hindi parin boo ang disisyon ko.

"Manong Raul ano po tuloy po ba kayo bukas?"

"Oo naman Binigno alam mo namang suportado ako sa inyo ni Jackie. Handa nanga ang regalo ko sa inyo dito."

"Salamat po mang Raul pupunta muna ako kina mang Efren."

"Cge Binigno congrats ha."

"Salamat po."

Kung alam nyo lang ang totoong diko mahal si Jackie malalaman nyo.

"Mang Efren may pakiusap ho sana ko sa inyo, kung pwede po kayo ang mag loto sa handaan namin bukas."

"Walang problema Binigno, wala naman kaming handa dito sa bahay. Sa inyo nalang ako mag loloto."

"Salamat po."

"Nako wala yun, congrats ha."

"Salamat po."

Ang dami pang dapat asikasuhin. Ngayon ko na kukunin yung isusuot ko para bukas. Medyo mahal yun gusto ko kasi barong nalang pero ayaw ni Jackie gusto nya duxedo kaya wala akong nagawa.

Umuwi nako sa bahay kasi kwekwentahin pa namin ang mga gastusin. Napakamahal mag pakasal eh hindi ko naman mahal ang pakakasalan ko. Isang malaking sumpa to sa akin.

Nga pala, hindi ko namalayan nung nakaraan hindi ko pala naisauli yung cellphone ni kuya Billy. Hanggang ngayon nandito parin sakin to. Tinawagan ko naman si kuya Vhong para ipaalam pero sabi nya, kukunin nalang raw to ni kuya sakin. Tatawag nalang daw sya ulit.

Hindi naman daw nya to masyadong magagamit ngayon kasi nasa resort parin daw sila. Don muna daw sila naisipan nila yun para hindi muna makabalik si Vice sa city. Para maiwasan narin ang pag inom. Sa ngayon hindi raw nila tinuonan ng pansin ang nga negosyo nila sa halip sinamahan muna nila si Vice don. Kasi mas maganda ang tanawin don. Malayo sa maingay at maalinsangang Maynila. Baka sakaling magiging ok ang kalagayan nya don.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon