C24. Ipinaglaban

735 23 13
                                    

VICE POV.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Parang ambilis lang ng mga pangyayari. Hindi ko inakala na sa ganong paraan nya ako ipaglaban. Akala ko wala na talaga, akala ko hindi ko na sya makikita pa. Pero akalain mo nga naman oh, katabi ko na ngayon ang pinaka gwapo kong asawa. Hindi ko rin akalan na don talaga kami mabasbasan ng pari. Kung alam nyo lang kung gano ako kalutang kahapon nabigla nalang ako ng mapagtanto kong kasal na kami?

"Hindi ko akalaing babalikan mo pa ako."

"Bakit naman hindi? Mahal kita no."

"Babe, gising kana pala?"

"Kanina pa ko gising naiilang nga ako sa kakatitig mo sakin. Gwapong gwapo ka sa akin no? Gusto mo lang akong halikan eh."

"Hmmm, apakayabang mo. Asa ka!"
Bumaba na ko sa kama at pumsok sa bathroom baka malaman nyang kinikilig nanaman ako.

"Hahaha, ito talagang misis ko oh nilayasan pa ko. Halikan kita jan eh."Rinig kong sigaw nya.

Naghilamos lang ako tapos lumabas na agad.

"Tara na, kain na tayo? May niluto naman siguro si manang."

"Asa ka, hindi naman nagluluto si manang babe. Ako nalang ang magluluto. Miss mo na adobo ko no?"

"Sobra, alam mo bang nasaktan talaga ako nung hindi muna ako ipinagluluto. Grabe ka hindi mo lang al'--"

"Shhhhh,,, wag mo nang balikan yung sakit. Pwede bang maging masaya nalang tayo. Halika na nga."

"Anong ginagawa mo!"

"Binubuhat ka, kasi ayaw kong mapagod ang misis ko."

Apakayabang ko no? kung gano man kasakit ang dala ni Ion sakin noon. Subra subra pa ang sarap na dala nya ngayon. Hindi ako nagsisi na tanggapin syang muli.

"Babe, bakit pala bihis na bihis ka kahapon nung nasa airport tayo?"

"Baba ka muna babe, upo ka lang dyan kasi mahaba habang kwento pato. Makinig ka nalang habang nagluluto ako."

"Ganito kasi yan kasal sana namin ni Jackie kahapon yung nanay ng anak ko."

"Per-"

"Pero bakit ikaw ang pinakasalan ko? Kasi ikaw ang mahal ko. Tapos."

"Oh kala ko ba ang taas ng kwento mo?"

"Mataas talaga, kung alam mo lang gano ako nag hirap para mahabol ka. Pero wag mo ng isipin yun ang mahalaga masaya tayo."

Oo nga naman ang mahalaga ngayon masaya kami at ako ang napili nyang makasama. Hanggang ngayon talaga parang hindi parin ako makapaniwala. Ilang araw rin akong nagluksa, ilang araw din akong nag drama. Inom, tulala, gutom, at parang hindi na tao. Pero yaan mo na yun ang mahalaga kung anong meron ngayon.

"Babe, hindi pa tapos ang laban. Pupunta tayong Tarlac, hindi ako papayag na ganon lang ang kasal natin. Gusto ko bigyan ka ng maayos na kasal. Haharapin natin si nanay, samahan moko ipapakita natin sa kanya na tama ang naging disisyon ko. Na hindi na ko bata para sundin pa ang mga gusto nya. Kukunin natin ang anak ko. Magiging masaya tayong pamilya."



Tulad nga ng sinabi nya, pumunta kaming Tarlac. Kinakabahan ako dahil malapit na kami. Fist time kong maka punta dito. At first time ko ring makaharap ang nanay nya. Hindi ko alam kung anong klasing ugali ang meron nun. At baka awayin ako nun pagdating.

"Babe, nandito na tayo pero hindi makakapasok tong sasakyan mo don papunta sa bahay. Ok lang ba sayo na mag motorsiklo tayo papasok?"

"Oo naman babe, pero kinakabahan ako."

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon