"Babe ito na." Binuksan na nya ang box.
"Babe will you marry me?"
Hindi ko napigilan tumulo na nga ang luha ko.
Agad syang tumayo sa kinatatayuan niya tapos pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.
"Babe sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya na paiyakin ka. Babe, sorry talaga sana mapatawad moko."
"Ion hindi, hindi mo naman kasalanan. Sobrang na touch lang ako kasi hindi ko alam na gagawin moto, kaya naiyak ako."
"Babe, hindi kasi ganon yun."
"Bakit ano ba?"
"Kasi??"
"Kasi ano?"
"Kasi babe"
"Ion naguguluhan nako ha." Di ko sya maintindihan, kung kanina nakikita ko ang kaba nya. Pero ngayon dobleng kaba ang nakikita ko.
"Ion ano ba? bat ka tumayo agad di mo man lang pinasagot si cutie pie. Palpak tuloy sana pinasagot mo muna bago ka tumayo." Sigaw ni Jhong sa di kalayuan, nakatago pala silang lahat sa isang malaking puno.
Lumabas sila lahat don tapos pumunta sa kinatatayuan namin.
"Hoy grabe ka sis, inaano kaba. Hahahaha, grabe kanina pa ako natatawa. Umiyak ka talaga?" Hindi ko alam kung anong sinasabi nila.
"Ano ba naman yan brad! Hindi ka sana umiyak para natuloy."
"Anong natuloy, ano bang pinagsasabi nyo?"
"Kasi Viceyyy ano to---"
"Babe, sorry talaga sana mapatawad moko."
"Kasi sis? sabay sabay na tayo lahat One,,, two,,,, three..."
"Its a PRANK!" sabay sabay na sigaw nilang lahat maliban kay Ion.
So it means? lahat na ginawa na paluhod luhod at sinabi ni Ion prank lang? Uulitin ko, prank lang yun!? Prank lang? Prank!?
"Hoy brad, bat ka natulala dyan."
"Viceyyy,, labas ako dito. Nakisabay lang ako sa trip ni Anne."
"Bestie, alam mo naman kung san masaya dun lang ako."
"Ako din Mommy, ngayon ko lang nalaman ang plano nila. Hindi ko napigilan."
"Basta ako cutie pie sinuportahan ko lang si Anne dito sa plano nya."
"Babe sorry talaga napag utusan lang ako."
Nag mukha akong tanga! Nakakahiya ang ginawa nila. Hindi ko inakala na magagawa to ni Ion sakin. Nakakainis sya, nakakainis talaga! Asang asa nako na ito na talaga yung moment ko. Na ako na ang susunod na ikakasal pagkatapos ni Anne. Pero ano tong nalaman ko? prank lang ! PRANK!.
"Babe, sorry napag utusan lang ako ni ate Anne."
"Brad wag mo kaming sisihin dyan ha. Basta ako kinunan ko lang kayo ng video." Ayon! wala raw syang ginawa, pero kinunan pa kami ng video.
"Ako din cutie pie wala akong kinalaman dyan. Tinuruan ko lang si Ion sa mga sasabihin at gagawin nya." Isa rin to sya pala nag turo kay Ion lahat. Kainis talaga!
"Ako din bestie, wala akong ibang ginawa. Pinaset up ko lang to sa ibang tao tong romantic spot nato." Kaya pala dito kami pinapunta ni Anne kasi kasali to sa plano nila ang mga pabulaklak sa gilid.
