C7. Mahal ko na Sya

515 14 1
                                    

Dalawang linggo narin ang nakalipas simula nung, nagkita kami ni Terrence. Sya yung naging ex ko na subrang sakit ang dinulot sakin, simula nung nalaman kung niloko nya ako. Kahit mag aanim na bwan na, hindi ko parin kaya na makita sya. Kasi bumabalik yung sakit. Nagiging sariwa nanaman ang sugat sa puso ko. Harap harapan ko kasing nakita ang panloloko nya sa akin. Nakita ko syang may kalandian sa condo unit na binigay ko sa kanya. Puta! walang hiya talaga.

May naririnig din akong usap usapan na ikinahihiya nya ako. Sikat kasi syang basketbulista, maraming ngsasabi na ikinahihiya nya raw ako kasi bakla ako. Hindi ko naman nalaman yun dahil ok naman kami sa umpisa, sweet sya at maalaga. Sumasabay sya sa kahit anong trip ko. Kaya siguro todo ang sakit! Kasi todo rin yung pagmamahal na binigay ko. Kala ko kasi sya na, yung lalaking mamahalin ako kahit ano ako. Yung hindi ikakahiya at kayang ipagsigawan sa mundo na mahal nya ako. Pero hindi pala, akala ko lang pala yun. Ang sakit, balikan! Hindi ko man ginusto na maalala lahat ng yun pero hindi ko mapigilan. Tumutulo ng kusa ang mga luha ko, kapag naaalala ko ang mukha nya. Ok na sana ako eh, nasa gitna na ako ng pag momove on. Pero nagsimula nanaman sa umpisa, dahil nakita ko nanaman sya.

Buti nalang nandito si Ion, sya ang nag papaalala sakin na maykarapatan akong maging masaya. Karapatan kung mahalin at bigyan ng pansin. Sya ang laging nagsasabi na dapat masaya lang.

Si Ion ang nagpuno ng kulang sa puso ko. Sa higit dalawang linggo naming pagsasama, ipinakita nya sakin ang pagmamahal nya. Ginawa nya ang lahat mapatawa lang ako. Makalimutan lang ang sakit na dulot ng ex ko. Napaka sarap lang sa pakiramdam. Dahil hindi ko inaasahan na ang kaligayan pala na hinahanap ko ay makikita ko sa isang taong di ko naman lubos na kakilala.

Ang hiling ko lang ngayon, ay sana wag nalang syang mawala. Sana maramdaman nya rin ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil alam ko sa sarili ko na MAHAL KO NA SYA. Sana sya din, sana hindi lang nya ginagawa to dahil sa kasunduan namin. Sana totoo narin ang nararamdam nya sa akin.

Kasi sa mga pinapakita nya, ang hirap ng pigilin ang siriling mahulog ng tuluyan sa kanya. Hindi kasi sya nagsasawa na araw araw ako lambingin. Kahit kami lang dalawa, kahit walang nakakakita na iba. Kahit alam kung pagod sya araw araw dahil sa trabaho nya, nakuha nya paring ipasyal ako sa labas. Kasi alam nyang nababagot ako dito sa bahay. Dahil sa kanya  nakita ko ang saya sa labas ng bahay, hindi lamang sa bar, sa kung ano anong club. Kundi nakita ko ang kasiyahan sa mga street. Dahil sa kanya natoto akong kumain ng street foods. Natikman ko ang masarap na balut. Hindi kasi talaga ako mahilig dun kasi nandidiri ako.

Dahil sa kanya mas nakita ko ang mundo. Mas naranasan ko kung ano ngaba ang tunay na saya. Kasi noon ang paniniwala ko ay makikita ko lang ang saya sa loob ng bar. Mag party lang at mag party gabi gabi. Pero ngayon iba na, hindi nya kasi ako pinapayagan na pumunta sa ibat ibang bar na di ko sya kasama. Kasi baka mapano raw ako. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil mas nabibigyan ko ng oras ang sarili ko. Sabay kaming nag wowork out pag wala syang trabaho. Mas nagiging healthy ako dahil sa kanya. At mas nabibigyan ko ng halaga ang bawat sentimo. Tinuruan nya akong pahalagahan ang mga malilit na bagay.

Sya rin ang dahilan kung bakit hindi na ako nahihiya na ipakita ang totoong ako. Kung ano nga ba ako, na walang make up at walang wig. Kasi sabi nya sakin maganda ako kahit ano pa. Mas natutunan kong mahalin kung sino at ano nga ba ako. Si Ion ang isang taong kaya akong tignan kahit wala akong kolorete sa mukha.

Mas nagiging busy si Ion ngayon dahil tinanggap nya ang alok ni Anne na magiging cook sa resto nila. At mas naging nakilala na sya dahil sa pagmomodel nya sa mga products ni Ryan. Sabi nga ni Ryan na magiging regular na model na raw si Ion. Hindi naman nya agad na tinanggap kasi may posibilidad raw na magkakalayo kami paminsan minsan dahil sa photo shoots sa ibat ibang location. Pero sabi ko, ok lang mas makakabuti naman sa kanya. Mas malaking tulong yun para sa pamilya nya sa Tarlac. Sabi ko din sa kanya na, hindi imposibleng maging sikat na model sya.

Kahit matagaltagal na kaming nagsasama hindi parin nagbago ang ugali nya. Ganon parin sya mabait, matipid, gwapo at palaging hawak hawak ang kamay ko. Ang nagbago lang siguro ay yung pag eenglish nya, kasi kasama nya si Erwan palagi sa resto at alam nyo na englisero yun kaya medyo nahawa na si Ion. Na kwento naman ni Ion sakin na nakakaintindi naman raw sya ng english hindi nya lang daw alam ang tamang pronunciation. Pero ngayon masasabi ko talaga na almost perfect na sya. Kasi isang lingot apat na araw pa naman sya nag tratrabaho kina Anne, pero naging maayos na ang pag eenglish nya, masasabi kung fast learner sya.

Sana nga totoong fast learner sya. Sana mabilis nya lang matutunan na mahalin ako yung totoo na, hindi dahil dun sa kasunduan namin. Sana nga, Isang malaking SANA.

Kasi pag mawawala sya isang malaking PAG MOMOVE-ON nanaman yun. Kasi isang malaking PAG IBIG din yung nararamdaman ko sa kanya.

Bukas na ang picturial para sa kasal ni Anne. Sa resort nila nag location, pero sa bandang hapon kukuha ng mga pictures kasi gusto ni Erwan na makuha ang magandang sun set.

Ikakasal na si Anne, sa mga susunod na araw. Grabe hindi ko lubos ma isip na ganito na pala kami katagal mag kaybigan. Halos silang lahat kasal na. Matitira nanaman ako neto. Ako lang naman siguro ang hindi makakaranas ng kasal. Ano kaya pakiramdam nun? Pero, wag ko munang iisipin yun. Ang mahala masaya si Anne, unti unti na nyang nabubuo pangarap nya. Im so very happy for her. At sa buong tropa ko, dahil masaya ang mga puso namin ngayon.






AN
Hindi ako makatulog kaya update nalang. Wala munang dialogue ngayon, bukas nalang. buenas noches mga amigo.🌙

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon