Ngayon na ang araw ng kasal, hindi ako nakatulog kagabi kasi hindi talaga ako kampante. Alas otso mamaya ang kasalan. Dalawang oras bago ngayon, pinagbibihis na kami ni nanay para daw makahanda. Ayaw kasi na pinagaantay si Father.
Pero nakatunganga parin ako ganon din si Jackie pero may make up na sya. Minake upan sya ni Randy kanina.Pero mukhang wala syang balak mag bihis. Ganon din ako.
Napakaingay na sa labas, ang mga tawanan ng mg tao at mga sabik na bata sa pag huni ng bell ni manong surbetero.
"Hoy ano na! magbihis na kayo, Jackie magpatulong ka kay Randy sa pag bihis. Randy ikaw na ang bahala dyan kay Jackie. Busy pa ako sa paghahanda don. Ikaw rin Binigno mag bibis kana. Wala kanang magagawa wag kang OA."
"Ion may magagawa ka."
"Mahal mo ko diba?"Tama may magagawa ako Vice kasi mahal kita.
Kinuha ko na ang mga damit ko at sinuot na agad to ng walang halong pag aalin langan.
"Oh kala ko ba, ayaw mong magpakasal bat parang napa excited mo. Kung maka suot ka ng damit kala mo masaya ka."
"Jackie kahit ano man ang mangyari ngayong araw, piliin mo ang maging masaya." Huling sinabi ko at hinalikan ang noo nya at patakbong lumabas ng bahay.
"Hoy san ka pupunta?" Rinig ko paring sigaw nya mula sa loob ng bahay.
"Pupunta ako sa kasiyahan ko." Sigaw ko pero tuloy parin sa pag takbo. Kaylangan kong maka alis dito bago pa mag simula ang seremonya.
"Manong hatid nyo po ako sa kato dali."
"Bakit, san ka pupunta at mukang naka suot pangkasal kapa? Diba alas Ot--"
"Wag ng maraming tanong manong. Iandar nyo nalang ho tong motorsiklo nyo."
Sumakay nako sa motor nya, at wala na syang ibang ginawa kundi paandarin eto.
Hindi ako makakapayag na pareho kami ni Jackie makulong sa kalungkutan. Tama si Vice malaki nakot may sarili na akong pagpapasya. Kaylangan ko syang makita ngayon at sabihing mahal na mahal ko sya.
"Manong eto po bayad sayo ng sukli.".
"Nako slama------"
Hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita nya. At pumara na ako ng taxi.
"Manong alam nyo po ba ho yung Eussaffe resort?"
"Oo alam ko pero isat kalahating oras yun mula dito. Ang layo, hanap ka nalang ng ibang masasakyan."
"Manong dodoblehin ko po ang bayad. Manong maawa kapo, sige na manong."
"Oh sige sakay."
Yun naman pala, buti nalang naka alis nako mula sa lugar na yun. Kung hindi mapipilitan talaga ako sa kagustuhan ni nanay.
Hay, naramdaman ko na ang malaking ginhawa.
Natulog lang ako sa byahe, kasi hindi ako nakatulog kagabi medyo namamaga na ang mga mata ko.
Hindi na ako makapaghintay, sana tanggapin nya akong muli. Sana hindi pa sya napagod na ipaglaban ako. Ang pagmamahalan namin.
20min.
45min.
1hour
1:34
"Hoy gising nandito kana. " na himasmasan ako sa tabig ni manong driver.
"Manong ipasok nyo naman ho ako dun sa loob."