ION'S POV.
Anim na araw ko na tong ginagawa, nahihirapan ako nasasaktan ako. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko.
Litong lito nako sa pangyayari, halos di ako makatulog sa gabi. Dahil iniisip ko kung ano ba talaga ang dapat kung gawin. Naawa nako kay Vice, gusto ko syang yakapin at sabihan ng soryy. Dahil hindi ko naman to ginusto, ito lang ang paraan para pakawalan nya ako.
Inom lang sya ng inom, naawa na talaga ako sa kanya. Pero mas nag alala ako kagabi kasi madaling araw na wala pa sya dito sa bahay.
Hindi nanga kami nagpapansinan, nasigawan ko pa talaga sya kagabi. Galit ako sa sarili ko kung bakig nagawa ko yun. Hindi ko ginusto na sabihan sya ng ganon. Nasaktan lang talaga ako, nabwiset ako dahil don sa lalaking hindi ko alam kung anong intensyon sa kanya. Kung ihahatid ba talaga sya sa bahay oh ipapahamak. Buti nalang talaga naisipan kung pumunta don.
Ayaw kong nakikipag kausap sya sa ibang lalaki. Ayaw kong hinahawakan sya ng ibang lalaki. Kasi gusto ko akin lang sya. Pero dapat pala hinayaan ko nalang para may bago na syang makita at kalimutan nalang nya ako.
Sana nga dadating yung isang lalaking hindi katulad ko. Yung lalaking kaya syang ipaglaban. Yung lalaling hindi sya kayang saktan.
Sa araw araw nakikita kong nasasaktan sya. Awang awang nako sa kanya gusto ko ng hawakan ang mga kamay nya. Gusto ko syang sabihan ng babe, sorry sorry talaga.
Alam kong nahiiirapan sya ng subra.
Kaylangan ko na kasi syang iwan kasi may babalikan pako don sa Tarlac.
Baliktanaw.
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon. Nanggaling pa kami sa bar ni kuya Jhong. Nag celebrate kasi kami pagkatapos ng kasal ni ate Anne.Nakatulog na ang mahal ko dito sa tabi ko. Napagod siguro, kawawa naman oh parang naiinitan. Nilakasan ko ng kunti ang aircon at hinawakan ang kamay nya.
Ginawa ko yun habang nagmamaneho. Gusto kung hawak palagi ang mga kamay nya, gusto kung tinititigan sya palagi. Pero syempre hawak kamay muna ngayon. Wala munang titig, pano ba naman kasi ang ganda nitong dyowa ko, baka ikadisgrasya ko to.
Boom panot boo-
"Nay bat napatawag ka? Madaling araw napo."
"Kanina pako tumatawag sayong bata ka. Ano bang nangyayari sayo dyan sa Maynila?! Alas dyes palang ng gabi tinatawagan na kita bakit hindi mo sinasagot?!" Hindi ko napansin ang tawag nya, nasa loob ng bar kami non.
"Nay wag nyo naman ho akong sigawan."
"Pano ba namang hindi Binigno! Ano bang pinagagagawa mo dyan sa maynila?"
"Nag tratrabaho po nay."
"Talaga ba? San? dyan sa kinakasama mo? Binigno naman ayusin mo buhay mo. Kaya pala hindi kana lumuluwas dito kasi nawili kana dyan. Alalahanin mo naman ang anak mo na naiwan dito."
"Nay alam nyo naman pong wala na talaga kaming pag asa ng ina nyan."
"Kahit na! bumalik ka dito. Dito kanalang mag trabaho. Papayag kaba na hindi magiging buo ang pamilya ng anak mo?"
"Nay susuportahan ko naman yung bata."
"Umuwi kana dito Binigno!"
Kasalukuyan.
Pagkatapos nung tawag na yun litong lito na talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung sino pipiliin ko. Kasi nangako ako kay Vice na pakakasalan ko sya. Pero may obligasyon ako nanaiwan sa Tarlac.