"Oh my gosh I'm getting merried!."
Last word yan na narinig namin kanina kay Anne. Ngayon nandito na kami lahat sa mga upuan namin. Medyo hapon na nagsimula ang seremonya kasinga gusto ni Erwan kasabay nila ang sun set. Nakatayo lang kami habang inaabangan ang romantic entrance ni Anne. Nakikita ko talaga ang naiiyak na mga mata ni Erwan. Hayyy,,,, sana all! At yun na nga tumugtog na ang groupo na nakuha ni K para sa kantahan ngayon. At naglakad na ang sisteret ko patungo kay Erwan. Ang ganda ni ngangabu, suppeerr! Naiiyak narin ako. Kinukunan lang namin ng video si Anne habang naglalakad sya. Katabi ko si Ion napagitnaan ako nila ni Vhong. Naiiyak din si Vhong kaloka, lalaking tao eh. Lumingon ako sa kaliwa ko. Naiiyak nga kami lahat, pati si Jhong at Billy.
Pero ano pa ba ang bago? Ganito naman kami lagi pag may kinakasal sa grupo. Kasi suportado at mahal namin ang isat isa. Nakakalungkot lang, kasi hindi na magtatagal sila Anne dito pagkatapos ng kasal kasi deretcho na sila sa Australlia, may ticket na kasi. Ewan ko babakit hindi nila ipagbukas. Atat na atat rin sa honeymoon eh.
Umupo na kaming lahat at tahimik na nakinig sa pari.
-
-
-
Tapos na ang kasal nandito na kami sa reception. Kala mo naman gano ka layo. Magkatabi lang naman ang location ng kasal kanina at ang kainan. Ang ganda talaga dito, kahit ilang beses na ako nakakapunta dito namamangha parin ako. May balak nga akong bilhin yung bakante don sa kabila. Baka dito narin ako magpakasal kung sakasakali mang ituloy ni Ion ang sinabi nya nung nakaraan.
Nandito kami ngayon sa isang mahabang lamesa. Naisipan kasi namin ni Vhong na mas masaya pag boodle fight ang gawin sang ayon naman si Anne. Kaya may mga mahahabang lamesa dito, iba iba para sa mga ninong, ninang, pamilya ni Anne, pamilya ni Erwan, at iba pang nga kaibignn at syempre para sa aming mag trotropa.
Si Anne at si Erwan nandon pa sa ibang lamesa, nakikipaghalubilo at nagpapasalamat sa pagpunta dito sa kasal nila. Kami naman todo hintay pa kay Anne kasi hindi kami kaain pag wala sya.
"Oh guys selfie muna tayo, habang wala pa si Anne." Sabi ni Billy at itinaas ang cellphone nya.
"Ok 1, 2, 3 smile!"
"Oh cellphone ko naman kuys para may remembrance." sabi ni Vhong at inabot nya ang cellphone nya kay Billy. Si Billy kasi ang nasa sulok ng lamesa kaya sya ang mas madaling makakuha ng picture.
"_Hoy! ang daya nyo hindi nyo na ako sinasali sa groufie." sabi ni Anne, at tumatakbo papunta samin. Ito ring si Anne lumalabas pagkabungisngis eh, naka hill pa naman.
"oh halika na dito Anne, Erwan oh kunan mo kami ng picture."
"Luh ang bastos ni Jhong, dapat kasama si papa Erwan para kumpleto."
"Hehehe, joke nga lang eh Syempre kasama talaga si Erwan. Oh sigina picture muna para makakain na."
Pumpwesto naman kami lahat at kanya kanyang posing ang ginagawa mga ilang shot din yun bago matapos.
"OH SIGE NA KAINAN NA!" sabay sabay na sigaw naming lahat. Kala mo naman kami lang tao eh.
Iaangat ko na sana ang kanang kamay ko para makakain na pero.
"Babe bitaw muna, hawak ka ng hawak ng kamay eh. Pano ako kakain?"
"Yung isang kamay mo nalang gamitin mo babe."
"Hindi ako marunong magkamay dito sa kaliwang kamay ko. Mas kumportable ako sa kanan."
"Subuan nalang kita babe." Sabi nya at tinutok nya ang kanin sa bungaga ko.