C23. I Do

623 19 32
                                    


"Nako sir malas ka, kita mo yang lumilipad ngayon. Yan yung eroplano papuntang US. Sorry pero hindi ka umabot."

Parang binagsakan ako ng langit at nilamon ako ng lupa dahil totoo ngang may isang eroplanong kakalipad lang.

"Pero sir, nagbabakasakali parin ho ako. Papasukin nyo naman ho ako."

"Sir napaka tigas ho ng ulo nyo, sinabi namang hindi diba?"

"Sir sige na sir, para nyo ng awa."

"Ano bang nangyayari dito, bat may nagkakagulo nanaman?"
Isang lalaking medyo malaki ang pangangtawan ang sumingit mula sa pag uusap namin nung guard.

"Kasi sir, napaka kulit po neto oh nagpupumilit na pumasok."

"Sino?"

"Yan po sir," tinuro naman ako ng guwardya. Halos di nya kasi ako makita kasi may nakikiisyosong mga tao.

"Ion?" nagulat ako ng alam nya ang pangalan ko.

"Kilala mo ko?"

"Oo, ako yung lalaking ihahatid sana ang dyowa mo. Kaso pinigilan mo ako, nalala mo? Itanong mo kay Vice kilala nya ako. Sabihin mong Zues."

"Teka, ikaw yung kausap nya nung gabing yun?" Hindi ko kasi sya maaninagan nung mga panahon na yun kasi nangibabaw ang galit ko.

"Oo ako nga, teka ano bang ginagawa mo dito? At bakit ganyan ang mukha mo?"

"Kaylangan ko kasing makita si Vice, pero ayaw akong papasukin nito."

"Walang probema yan, manong papasukin mo nato kaybigan ko naman to."

Wala na akong ginawa pa, tumakbo na ko papasok.

"Sa susunod nalang ako magpapasalamat sayo Zues. " Sigaw ko pero tumatakbo parin. Punta ako don sa mga upuan kung saan nagiintay ang nga pasahero. Pero wala ng tao.

Wala na umalis na sya. Di ko naman sya masisisi kasi duwag ako eh. Ngayon ko lang naisipang ipaglaban sya. Hindi ako kumapit sa pagmamahalan namin. Kung noon palang naisip ko na to sana hindi na humantong sa ganito. Ang hina mo kasi Binigno! ang hina hina mo! So ano ngayon? anong gagawin mo? babalik sa Tarlac. Tatanggapin ang lahat ng husga ng mga kapitbahay dahil hindi ako sumipot sa kasal ko kay Jackie? Pano na ang buhay ko ngayon? Hindi ko naman masusundan si Vice don sa Amerika kasi wala naman akong sapat na pera papunta don. At pano ko sya hahanapin ang laki ng US. Hindi ko kaya, siguro ito na ang katapusan ng lahat. Hindi ko alam paglabas ko sa gusaling to kung san ako pupunta. Uuwi akong dala ang pagsisisi. Ikaw kasi eh tanga tanga ka! bakit ngayon mo pa to ginawa! wala kang kwenta Binigno wala kang kwenta!!!!

"Aray"

"Sorry po." Hindi ko napansing may nasagi na pala ako. Naglalakad kasi akong wala sa sarili.

"Ion?" Rinig kong tawag nung nabangga ko.

"Ion!" si kuya Jhong? ngayon ko lang napagtanto si kuya Jhong nga.

"Kuya san na sya?"

"Ano bang ginagawa mo dito wag kanang umasa kasi--"

"Tama po ako, nakaalis na nga sya."

Napaupo nalang ako sa sahig at dinama ang lunggot ngayonay nagpatunay na talaga na nakaalis na sya.

"Kuya, masaya ba syang umalis dito? Sana masaya sya, kahit hindi ko man sya nakita sa huling pagkakataon sana ok sya."

"Hoy tumayo ka nga dyan, nakakahiya napakaraming taong nakatingin sayo. Napaka OA mo, hindi pa naman sya naka alis alas 8 pa ng gabi ang flight nya."

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon