Limang araw narin ang nakalipas simula nung kasal ni Anne. Pagkatapos nung gabi na yun, pagkagising ko sa umaga nag iba na ang lahat. Hindi ko naman inaka na magiging ganito ang mangyayari edi sana nilubos ko na ang pagkakataon na yun. Kung alam ko lang na last nayung araw na yun sana sinulit ko na.
Lumipas na ang mga araw at hindi na ako nakakapag kwento sa inyo kasi hindi ko talaga kayang ikwento to. (Mismong si Author nalulungkot na isulat to.)
Pero kahit ayaw ko mang isipin, kaylangan para ma subaybayan nyo ang kwento ko.
Nagsimula yun sa hindi ko inaakalang oras. Kasi wala namang banta na magiging ganon. Siguro naguguluhan na kayo kung ano nga ba ang tinutukoy ko. Hindi ko nga alam eh mismong ako hindi ko alam ang nangyayari. Kasi ang layo layo na nung dati.
Normal naman sa isang relasyon ang labuan, lalo na pag sawa na kayo sa isat isa. Pero ang labo lang talaga ni Ion kasi, ok pa naman kami don sa bar ni Jhong ah. Sabi nya pa nga na kami na ang susunod na ikakasal. Pero bakit ganito? hindi ko na sya makilala. Yung dating Ion na laging ipinagluluto ako ng umagahan na wala na. Yung dating Ion na tinititigan ako palagi ngayon di na nya magawa. Yung dating Ion na palaging bumabato ng pick up lines ngayon hindi ko na marinig. Yung dating Ion na laging hinahawakan ang kamay ko ngayon nawala na.
Hindi ko alam kung bakit, kasi hindi naman nya ako kinikibo. Ang sakit sakit lang sa pakiramdan na kahit good morning wala na akong natatanggap. Hindi ko na naririnig ang salitang babe na lumalabas sa mga labi nya. Sa bawat araw na gumigising ako, hindi ko na sya nakikita sa umaga. Kasi sabi ni manang pumunta na sa trabaho nya. Sapagkakaalam ko hindi naman ganon ka aga ang pasok nya sa resto. Bakit nya ba ako iniiwasan? Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Na hanggang ngayon di pa nasasagot.
Pag tinatawagan ko sya, ang tagal nyang sagutin. Ang cold cold nya na, hindi na sya nag rereply sa mga text ko. Kaya araw araw akong nagtatanong ano bang maling nagawa ko? Kasi pag sumasabay kaming kumain ng hapunan, hindi na sya nagluluto si manang na palagi. Miss ko na ang bango ng mga niluluto nya. Minsan nga hindi sya sumasabay sakin, pilit ko man syang hintayin pero hindi ko kinakaya dahil sa subrang gutom. Minsan nga nakikita ko sya kalahating gabi na kumakain.
Ewan ko kung bakit! Sa mga ginawa nya at pinapakita nya nakakaramdam ako ng sakit. Ang sakit, na sa bawat araw na nasa bahay ako, parang si manang lang ang kasama ko. Parang isang hangin nalang si Ion na lumalakad. Wala na syang pakialam sakin, hindi nya nga ako tinatanong kung ok lang ba ako. Kung nasasaktan nya na ba ako. Pinipilit kung maging matapang, kasi baka pagod lang sya at wala na syang lakas na ipagluto ako, pakiligin, at hawakan ang mga kamay ko.
Pero hindi ko na kakayanin to, limang araw na syang ganyan. Hindi ko na sya kilala. Sino ba ang kumuha ng dating Ion, please parang awa ibalik nyo sya. Kasi hindi ko kayang mawala pa sya. Ikakamatay ng puso ko, ikakababagsak ng sistema ko. Ikalulunkot ng buhay ko, kaya please sana bumalik na yung dating Ion. Hindi ako sanay na ganito ang trato nya sakin. Na para bang dalawang taong di magkakilala
Miss ko na ang mga ngiti nya, hindi
ko na nasusulyapan ang masasayang mukha nya. Nakakalungkot na subrang lungkot na. Kahit san man ako mag punta mag gym man ako, mag bar, mag mall. Kahit anong gawin ko hindi parin natatanggal sa isip ko ang salitang bakit.Tulad ngayon, nandito ako sa bar ni Jhong. Pero puta! hindi ko talaga mawala sa isip ko ang napakaraming tanong. Kahit ilang bote ng alak na ang na inom ko hindi parin mawala sa isip ko ang mga p*t*ng *n*ng tanong na yan!
Kasi imbis na nandito ako dapat kasama ko si Ion ngayon eh. Dapat nasa isang romtikong kainan kami ngayon. Kasi yan naman palagi ginawa nya noon, dinadala nya ako sa isang lugar pagkatapos ng duty nya. Pero ngayon? wala na ni hindi nga nun alam na nandito ako. Kasi wala nanaman yung paki sakin. Siguro nga mahimbing na yung tulog nun sa bahay eh. Samantalang ako, eto nag wawalwal, umiiyak. Wala ngang kasama kasi wala si Jhong wala man lang dunadamay sakin. Wala man lang akong mapagsabihan sa nararamdaman ko. Sa sakit na dinadala ko ngayon.