C18. Asawa?

512 14 5
                                        

BILLY'S POV.

Limang araw na kaming naghahanap kay Ion. Pabalik balik lang kami sa Conception Tarlac. Kasi basi sa data na finil upan ni Ion Conception ang exact place nya sa Tarlac.

Pero kahit limang araw na kami dito hirap parin hagilapin ni Ion. Kaya naisipan naming mag hiwahiwalay.

Dito ko naisipang pumasok sa baranggay bagong buhay puro tagumpay. Kasi basi sa mga tanong tanong namin, dito raw naninirahn ang mga Perez. Yan lang talaga nakuha naming info about kay Ion. Salamat kay Ryan buti nalangay naiwan pang document tungkol kay Ion sa office nya.

Pero basi din sa mga tinatungan namin wala rawng Ion na Perez. Pero kahit ilang beses nako nakapunta dito pabalik balik parin ako kasi baka nandito lang sya nagtatago.

Iniwan ko don sa kanto ang sasakyan ko. Kasi medyo makipot ang daan papasok baka may masagi pa ako. Sa halos araw araw kong pagpunta dito halos kabisado kuna lahat ng bahay. Nagtataka narin siguro mga tao kasi araw araw nila akong nakikita dito.

Hapon na kung pumunta ako dito. Pero ngayon naisipan kung maging maaga.

Sabi nila sa bandang dulo raw ang mga Perez nasa kalagitnaan na ako ng baranggay nato sana ngayong araw makita ko na si Ion kasi pagod narin kaming sa araw araw ito nalang ang iniisip namin.

Pero, para kay bestie gagawin namin. Lumalala na kasi kalagayan nun hindi naman sa may sakit pero. Hindi talaga umuuwi sa bahay nya. Medyo pumapayat nanga kasi inuumaga na sa bar. Halos hindi na kumakain at alak nalang ang kilala.

Ito talaga ang pinaka lala na heart break nya. Hindi naman sya ganito nung una. Oo nag wawalwal sya noon pero hindi naman subra subra na hindi na talaga makauwi ng bahay. Naawa na ako sa bestie ko lahat kami nag aalala para sa kanya. Minsan lang kung magsalita, kapag mag usap usap kaming magbabarkada nakikinig lang sya. Nagsasalita lang pagtinatanong minsan nga hindi.

Halos hindi na sya makaligo, wala na syang paki at hindi na nya pinalalitan ang wig nya. Hindi kami sanay sa ganyang Vice. Kasi si Vice maarte yun sa buhok lalo na sa katawan. Hindi yun lumalabas kung walang make up.

Buti nalang nasasama sya minsan ni Ryan sa condong tinitirhan nya. Alam kung nahihirapan nadin si Ryan kasi ang hirap nyang kombinsihin na sumama para makapagpahinga man lang at makapaglinis ng katawan.

Grabe talaga ang epekto ni Ion sa kanya. Grabe talaga ang sakit na dulot sa pag alis nya kaya kaylangan na talaga namin syang mahanap.

Kung di man lang nya mabalikan ang kaybigan namin atleast man lang makapagpaalam sya ng maayos at may katanggap tanggap na dahilan.

Kasi baka mapagalitn narin kami ng mga magulang ni bestie. Bago sila umalis dito sa Pinas sa amin na ipinagkatiwala si bestie. Nangako kami kay titot tita na hindi namin sya pababayaan dito.

Alam ko namang mahal na mahal sya ng mga magulang nya kasi sino ba namang hindi pag trabahuin. Ang swerte ni bestie hindi na nya kaylangan mag trabaho para mabuhay.

Sana makahanap sya ng bagong rason para ayusin ang buhay nya. Kasi pag hindi na talaga namin kayang eh handle to mapipilitan kaming sabihin lahat ng nangyayari sa mga magulang nya.

Isinekreto narin namin ang pag uwi ni Anne, hindi nya kinancel ang flight inekstend nya lang yun. Kasi alalang alala narin kasi sya.

Sa ngayon na sinasagawa namin operatin hanap Ion. Si K muna ang sumasama kay bestie. Sinasabi nya palagi na huwag naraw syang alalahanin pero kaylangan talaga para masiguradong ok lang sya. Nakiusap naman kami kay Yael para don. Kasi alam nyo na napaka seloso nun gustong sarilihin si K.

Hindi man sabihin samin ni bestie pero alam naming malungkot sya sinasabi nya kasi na ok lang sya. Kahit halata naming hindi. Pinipigilan nya narin kami sa mga ginagawa naming ito. Pero kahit pinipigilan nya kami alam naming gusto nya paring makita si Ion.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon