C12. Babe?

532 14 10
                                    

Hindi ako nakakatulog, pagod puyat at may kunting amats pa ako. Pero hindi ako natulog, sinadya ko talaga na hindi para maabangan ko si Ion bago pa sya umalis.

Alas kwatro na ng madaling araw at gising na gising parin ako. Gusto ko ng paghinga at matulog dahil pagod ako. Pagod na ang katawan ko, naawa nako sa mga namamaga kung mata. Pero mas pagod ako sa mga nangyayari samin ni Ion. Kaya kaylangan kong gawin to, nahihirapan man ako pero kaylangan para maayos nato.

Magiging malakas ako at magpapakatatag para malaman kung ano ngaba ang dahilan ng mga to. Kasi biglaan eh, di ko inkala ok naman kami ah. Ayos naman sana kami pero bakit?

"Vice ano ba! pagod ako ok! pwde ba tigilan mo na yang issue mo sakay na! Napaka OA mo inaano kaba ako nanga tong nagmamalasakit sayo, ako ngatong sumusundo sayo tapos ngayon ikaw pa yung galit, kaya pwede ba itigil mo na yang drama mo!"

Tandang tanda ko pa ang sinabi nya kanina. Ilang oras na ang nakalipas pero sariwang sariwa parin sa isip ko ang mga binitawan nyang salita.

"Vice ano ba! pagod ako ok!"
Pagod sya? eh kung pagod sya sa tingin nya hindi rin ako napapagod? Paggising palang sa umaga na hindi ko sya nakikita pagod na ang araw ko.

"pwde ba tigilan mo na yang issue mo" pano ko titigilan kung hindi nya sinasagot ang nga tanong ko. Pano ako makaka move on sa issue nayan kung hanggang ngayon may bumabagabag parin sa isip ko?!

"Napaka OA mo" wala syang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan kasi hindi nya alam ang nararamdaman ko. Ganyan na ba talaga sya ka manhid? at katanga? na hindi nya napapansin na nasasaktan nako sa sitwasyon namin? Pano sya nakakatulog ng mahimbing? Samantalang ako dinadama parin ang sakit. Bakit parang ako lang ang namomoblema sa relasyon nato. Wala na ba syang pake?

"inaano kaba ako nanga tong nagmamalasakit sayo, ako ngatong sumusundo sayo tapos ngayon ikaw pa yung galit,"
Nagmamalasakit? lahat ng ginagawa nya sakin malasakit lang? Walang pagmamahal yon? Isa ba akong stranger sakanya?

"kaya pwede ba itigil mo na yang drama mo!" ang drama? satingin nya nag dradrama lang ako? Sa tingin nya acting acting lang ang ginawa ko?

Natatakot narin ako sa iniisip ko na baka drama nya lang lahat ng  mga sinasabi nya sakin noon. Akala ko ba mahal nya talaga ako ng totoo? Akala ko ba kinalimutan na namin yung kasunduan. Akala ko too na ang nararamdaman namin sa isat isa. Pero sa tingin ko ako lang ang nagmahal eh. Ako lang ang naging too, ang daya noh? Napaka daya nya! Nagbigay sya ng mutibo, naniwala naman ako. Mas tanga pala ako, napaka tanga ko.

Tama natong drama mag aalasingko na at alam kung naghahanda na sya para pumasok sa trabaho. Bababa nako para maabangan ko sya.

Nagugutom ako pero tinataman akong kumain. Tinatamad akong ngumuya, wala ako sa kundisyon na mag luto. Ewan ko din bakit ako ginaganito ng pag ibig hindi ako makagalaw, hindi ako makakilos ng mga dati kung ginagawa. Nagiging tunganga ako palagi nalang.

Kaya ngayon tama nato, sapat na ang limang araw para maging tanga. Sapat na ang limang araw para tumunganga. Gusto ko lang naman marinig nag mga paliwanag nya.

5 mins.

20mins.

33mins.

At eto na natatanaw ko na sya bumababa na sya ng hagdan. Walang oras na dapat sayangin.

"Babe?" ito nanaman naiiyak nanaman ako. Halata sa boses ko ang pangiginig dahil sa mga luha na lumalabas sa mga mata ko.

Natigilan sya sa paglalakad at umiwas ng tingin sakin.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon