Chapter III

105 6 0
                                    

Bored as hell, napagdesisyonan kong kumuha ng mga litrato sa garden nina Lexa tutal ay ang mga kasambahay at trabahador lang naman ang nandun. Axel and Tito left really early today, I heard. Tulog pa si Lexa kaya't hindi ko mayayang gumala.

Mama and Tita are enjoying themselves with movies. I just let them be kasi alam kong miss na miss na nila ang isa't isa. They've been best friends since birth kaya natural lang iyon.

"Mira, masyado pang mainit baka mahilo ka?" nagaalalang tanong ni Nana Gracia nang nakita akong papunta sa garden at may camerang dala.

"Hindi naman po siguro. Tsaka naka hoodie naman ako para hindi masyadong mainitan."

Nakamaong shorts at sleeveless top ako at sinapawan ito ng hoodie. Pinili ko ring i-french braid ang buhok para hindi ito sagabal sa gagawin. Wala rin naman akong planong mag tagal kaya hindi na ako nag abalang mag dala ng payong.

"Hay nako, sige at baka sumunod nalang ako sayo roon maya-maya. Magingat ka ha." bilin ni Nana.

"Sige po. Salamat!" masiglang sabi ko tsaka pumanhik na papunta sa garden.

Malaki ang garden ng mga Fabiano. Pinapaligiran ito ng mga malalaking kahoy at iba't-ibang namumukadkad na bulaklak. Carnations, roses, daisies, at iba pa.

Sa gitna naman ng garden ay ang malaking round gazebo na gawa sa wood. Dito kami kumain noong nakaraang gabi. I noticed the undeveloped part of the garden, kung saan kami nag usap ni Axel. It was clean without the shrubs pero kita ang maputik na parte nito.

I wasn't really attentive to the garden's details back then kasi pinangunahan ako ng kaba. Now, I noticed how big and beautiful it was but it was also simple and just clean.

I decided to go near the trees and took some angled shots. I also took pictures of the flowers and the visible falls from afar. When I decided to get out of the shady part and take some pictures of the gazebo, I immediately felt the sun's heat.

Naghanap ako ng bench and meron naman sa ilalim ng isang malaking kahoy. Binaba ko ang camerang nakasabit sa leeg bago hinubad ang hoodie. I felt refreshed dahil naka sleeveless shirt nalang tsaka umupo muna sa bench.

I was busy checking my shots nang narinig kong may naglalakad papunta sa akin. I expected it to be Nana Gracia and hoped that she's bringing water for me. Nilingon ko ito at nakita ang isang lalaking siguro'y ka edad ko lang na nakangiti at may dalang tubig.

The man looked friendly and harmless. Naisip ko agad na trabahante ito ng mga Fabiano dahil sa madungis na boots at jeans na suot nito. Mukhang galing sa maputik na lugar. His curly hair and dark complexion made him look extra friendly.

"Hi, pinadala ni Lola Gracia. Baka raw nauuhaw ka. May ginagawa pa kasi siya." sabi nito, halatang nahihiya sa akin.

"Oh! Thank you so much. Apo ka ni Nana Gracia?" tanong ko, nakangiti habang tinatanggap ang tubig.

"Oo. Nautusan lang." sabi nito, napakamot sa ulo.

"I'm Mira. It's nice to meet you, buti naman at nakita ko na rin ang isa sa mga apo ni Nana." sabi ko, nakalahad ang kamay.

Natutuwa akong malaman na mabait ang mga nag aalaga kay Nana. Noong bata pa kasi kami ay wala itong kasama sa bahay na minsang inuuwian dahil nasa Cebu ang mga anak at apo nito.

Tinanggap naman niya at nagpakilala.

"Luke Rosales, panganay na apo ni Lola Gracia." tugon nito, nahihiya parin.

"Waverly" napabitaw agad si Luke sa kamay ko nang narinig namin ang boses sa likod niya. Nilingon ito ni Luke kaya't nakita ko rin kung sino ang nasa likod niya.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon