Chapter XIII

67 5 2
                                    

Still feeling all the heat in the insides, hindi pa rin binitiwan ni Axel ang kamay ko hanggang sa narating namin ang mansyon ng mga Fabiano. Mabilis at malaki ang mga hakbang ni Axel kaya hinihingal rin ako sa pag sunod sa kaniya.

He was bringing all of my things in one hand while holding me in the other. Paakyat na sana kami ng hagdan, mukhang papunta sa kwarto niya ngunit narinig namin ang tawag ni Lexa kaya naman ay natigil kami sa gitna ng hagdan.

"Oh! Why are you two back al...ready?" Lexa asked happily but trailed off when she saw our hands intertwined. Kabado ako kaya bibitawan ko na sana si Axel kaya lang mahigpit ang pagkakahawak niya kaya wala na rin akong nagawa kung hindi guilty na napatingin kay Lexa.

"Tss" sambit ni Axel kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang supladong nakatingin ito sa kapatid. 

Ang kaninang nakangisi lang na si Lexa ay madramang umakyat sa hagdan kung saan kami napatigil at hinampas ang kapatid. Tumili siya kaya naman ay mukhang naistorbo ata ang mga kasambahay at lumabas sa kusina si Nana Gracia.

"Jusko, anong nangyari Lexa?!" natarantang tanong ni Nana at lalapit na sana sa amin kung hindi lang nakitang okay lang pala kami.

"Wala po, Nana! Masaya lang" sagot naman ni Lexa at nag peace sign kaya napailing nalang si Nana bago umalis at bumalik sa kusina.

Hindi ako makangiti pero kitang-kita ko ang pagkawili si Lexa. Nilingon ko naman si Axel at nakitang seryoso pa rin ito. Nakatitig lang sa mga kamay namin na mabilis na pinaghiwalay ni Lexa.

"Lexa, slow down. You're hurting Waverly" saway ni Axel sa kapatid.

Inirapan lang siya ni Lexa. 

"Infairness, ang OA mo kuya. Pahiram kay Waveyy!" excited na tugon ni Lexa sabay hila sa akin palayo kay Axel. Nakita ko ang pagpikit ni Axel at narinig ang mahinang mura niya bago napalingon kay Lexa na binelatan lang siya.

Nakarating kami sa kwarto ni Lexa. This is my first time coming here kaya naman napa gala ang mga mata ko nang naka pasok at sinara ni Lexa ang pintuan. 

If Axel's white and gray themed room compliment his attitude ay ganoon rin ang kwarto ni Lexa. With a white and pink accent around the walls and things, the whole place looks girly and bubbly. Magkasing laki lang ang kwarto nila ni Axel but hers had more things. 

Her bed was above a thick pink and furry carpet wider than her bed bunk. Her four-cornered canopy bed had thin curtains in the colors pink and white. Her mattress looks neat since it's white as well as her comforter but the light pink colored pillow cases gave it a twist. 

Near the window was a pinkish middle-sized bean bag chair that looked like a cloud. There was a small table in front of it and behind both is the rectangular cabinet full of novel books. It was the perfect place to read because the window provided natural light.

I looked at the other side of the room and saw the same set up as Axel's with the television in front minus the books since the drawer surrounding it was filled with crystals, books, and huge letters with Lexa's nickname spelled out. Beside it looked like a walking in closet. 

"Okay waveyy! Time to spill the tea!" excited na sabi ni Lexa sabay hila sa akin paupo sa higaan niya.

Natanto ko bigla ang buong pangyayari kaninang umaga at namula. Natawa naman si Lexa ngunit hindi na pinansin ito.

"W-well... he confessed" nahihiyang tugon ko.

Ang gaga naman ay tumili ulit. Hindi ko na mapigilan ang kilig at napa ngisi na rin. Kinuwento ko kay Lexa ang pinagusapan namin ng kuya niya pero hindi ko syempre sinali ang nangyari sa cave. I'm not stupid.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon