Intramurals came and the whole university was nothing but full of colors. Lexa represented our department and I was screaming on the top of my lungs when she twirled gracefully during her grand entrance.
Grand opening ng Intramurals kaya naman ay introduction rin ng mga sasalang sa pageant night on the last day of the Intramurals.
They were wearing the usual cheerleader outfit but in different colors. Lexa was wearing something dark green dahil kabilang kami sa College of Business and Economics. We are wearing the same shade of green as well but in shirts.
Kasama ko ang mga kaibigan namin ni Lexa, supporting her too. Si Ethan nga sana ang kapares ni Lexa but they gave the male's role to the higher level. Last year raw kasi ay baligtad sa parehong batch rin. Hero represented our college department, sila ni Lexa ang pair.
Hindi kami magkatabi ni Axel dahil para hindi daw magkagulo, per batch ang arrangement ng seats namin sa gymnasium. The whole college cheered as well ng turn na naman ni Hiro mag pakitang gilas.
A few turns and poses, Hero asked for Lexa's hand and Lexa gracefully placed her hand on his. They received another round of cheers and chants from our department dahil sobrang lakas ng chemistry ng dalawa. Hindi halatang scripted ang ginawa.
I texted Axel because of the undying excitement I felt while watching Hero and Lexa perform. Naghahampasan at nagtatawanan kami ng mga kaibigan ko dahil sa excitement.
Me:
Your sister is too pretty!! I can't!!
Nagreply naman kaagad siya. Dahil saktong nasa left wing sila at kami ang pinaka side ng nakaharap sa stage, parang harap niya ako at nakita niya akong nagtitipa sa cellphone at tiningnan rin niya ang cellphone niya.
Axel:
Mana sa kuya ;)
Natawa ako kaya tiningnan ko siya. Kinindatan niya ako gaya ng smiley na ginamit. Hindi na ako nag reply at binelatan nalang siya.
Nakitawa na ako sa mga kaibigan at biglang nagyaya ng selfie ang isa sa barkada naming si Irene. She asked us to compress dahil sa dami namin, hindi kasya ang mga nasa likuran at kami nila Ethan iyon.
Since Ethan was behind me, pinatong niya ang isang braso sa balikat ko at nilapit ang mukha niya sa kabilang side ng mukha ko para masiksik ang sarili sa picture. We took a few more and posed a bunch of wacky poses.
Nagtilian naman agad ang ibang kasamahan naming nakatitig sa picture.
"Hoy Ethan! Dumidiskarte!"
"Bilib ako sa'yo, dude! Ganoon pala?!"
"Ayieee! Bagay kayo!"
Marami kami kaya marami pa ang natanggap naming tukso dahil sa poses namin na parang ginagaya ni Ethan lahat ng pose ko sa wacky at may iba ring nakatingin siya sa akin. Samahan pa ng unang picture sa sobrang lapit ng mukha ni Ethan sa mukha ko at may pa akbay.
Napalingon ako kay Ethan at nginitian niya lang ako. Nginitian ko nalang din siya pero hindi na pinansin ang mga tukso. Humupa rin naman ito pero naramdaman ko agad ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.
Axel:
Don't make me jealous, Waverly.
Napabaling naman ako sa banda ni Axel at nakitang seryoso niya akong tinitigan. Nagreply agad ako.
Me:
Cafeteria?
Axel:
Alright. Meet you there.
BINABASA MO ANG
Cascading Waters
RomanceStarted: April 06, 2020 Completed: July 06, 2020 Trigger warning: Sexual Assault Waverly came back to Bahiran to chase her dreams and build a new life but that new beginning came with a price. Like the cascading waters, she unintentionally fell for...