Chapter XXXII

48 4 0
                                    

Nagunahan ang mga tanong patungkol sa sinabi ni Ethan at Pearl sa akin. My heart started beating like mad na sa tingin ko ay bumabalik ang anxiety ko. Nawala ito nang naramdaman ang hagod ni Ethan sa likod ko.

Pearl looked teary-eyed but continued. "We all cried. Kinausap namin si Tara and she told us everything. She explained to us every bit of it. Galit kaming lahat sa ginawa ni Luke sayo but Tara made us promise not to talk about it to anyone so we didn't. Aside from the Fabianos, Lance's friends, and us, walang ibang nakaka alam."

She said the last sentence like it was comforting and for someone who was sexually harassed, knowing that only trusted people knew about it was more than comforting. I feel like a huge weight was lifted off my shoulders. 

Naiyak ako kaya ininom ko pa ang natirang wine sa baso ko bago nagsalin ng panibago. Knowing that these people who knew understood and were on my side, crying for me, naramdaman ko agad na kahit mapait ang nakaraan, I have always been so lucky to have these people in my life.

"We did our best to help in anyway we can. We asked around some of Luke's friend about him at doon namin nalamang hindi lang ikaw ang biktima niya."

Nagulat ako doon at napainom sa baso ko. What!? 

Hindi pa rin ako nag react at nakinig lang sa sinasabi nila. The people behind us were happily chatting kaya hindi ko rin magawang umiyak. It was helpful, really.

"We also help shut the people up and stood up for Lance. Doon lang ang naitulong namin kasi the next year, working na rin kami kaya mas naging busy. Bumuti rin si Tara dahil nadala sa korte ang kaso noong mga biktima. A year ago, nakulong si Luke matapos ang mahabang away sa korte."

Natahimik kami. Hindi ko pa ma proseso lahat ngunit naiyak na ako. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak o dahil sa nararamdamang pinaghalong saya, panghihinayang, at galit kay Luke. Naiyak rin si Pearl sa tabi ko. Naluha rin si Ethan habang hinahagod ang likuran namin.

Napansin iyon ng mga kaibigan namin kaya lumapit silang lahat at nagyakapan kami. I cried hard and silently thanked God for giving me friends like this. 

Hindi man kami gaanong nagsama ng matagal ay gumawa sila ng hakbang para mabigyan ng hustisya, hindi lang ako, kung hindi ay kaming lahat na naging biktima ni Luke.

"Bakit kayo umiiyak?" tanong ni Irene na naluluha na rin.

Ang mga lalaki naman ay nagpapabigat kaya nagtawanan kami at nagtitilian. 

"Wala! Namiss ko lang kayo!" sigaw ko kaya naghiyawan ulit sila.

It went on for minutes before I felt the alcohol taking over my system. Hindi ko napansing marami na pala akong nainom habang kinukwento ni Pearl at Ethan sa akin ang nangyari habang wala ako.

Kahit lasing na ay naluluha pa rin ako sa pagiging maswerte ko. Lexa, Pearl, Ethan, Irene, Francine, Kenneth, Jan, at ang iba pa naming mga kaibigan na wala ngayon... they all helped me. Niyapos ko sila ng mahigpit at pinasalamat ulit ang poong maykapal. Sayang at wala si Lexa dito. 

Nang bumitiw ay napansin ko agad ang pag alon ng mundo ko. Muntik na akong madapa. Buti nalang at may sumalo sa akin. Tumawa ako. Ang galing niya!

"That's enough. Let's go home," sabi nito.

Narinig kong nagpaalam ito sa mga kaibigan ko at tinatawag naman nila ako kaya kinakawayan ko nalang sila. 

"Keep safe, bro!" narinig kong tawag ni Dave. Kumaway ang taong kumakarga sa akin.

We walked a bit. I was smiling while staring at him. Hinawakan ko ang panga niya at nakitang tinitigan niya ako dahil sa ginawa. He furrowed his eyebrows at nanliit ang mga mata niya. 

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon