Chapter XXVII

54 5 0
                                    

After eating my snack, lumabas na ako at nilapitan si Axel pero napansin ko ang pag iba ng aura niya. He looks serious and very distant. It's not as if we're close or anything but he seemed really distant and I feel like he's trying to avoid me. I don't know.

Hindi ko na pinansin iyon at pinagpatuloy lang namin ang pagtuturo niya. The next day, I came back to their farm ngunit hindi na si Axel ang nag hihintay sa akin kung hindi ay isa sa worker nila. Busy raw kasi ito kaya hindi makakapunta but that reason lasted for the next day and the next until umabot ng one week.

He really is avoiding me. Inisa-isa ko ang mga pangyayari, was it because of Dave? Tyler? Ewan. Why am I even bothered? Baka busy lang talaga. 

I did not think too much about it kahit alam kong hindi ako kampante sa rason niya. I have to focus on my cafe. It went on like that for the next two weeks. 

Right at the last day of teaching me, naintindihan ko na kung saan ako nagkamali sa pag pili ng mga ingredients, I now know how to determine fresh ones from those that are not, at marami pang iba. Pinasalamatan ko na ang worker nila tito. 

I went to the groceries and brought some needed ingredients bago umuwi. Naabutan ko agad sila mama at papa na handa na sa ano mang lakad.

"Where are you off to?" tanong ko, putting my keys and groceries in the counter.

"Go change into something clean. Your tita Grace invited us for dinner," sagot ni mama. 

"Huh? For what? And where's Ty?"

Akala ko kasi kanina ay tulog lang ito sa kwarto niya. Ngunit pansin kong nasa sala o kusina naman iyon kung ganitong oras kaya nakakapagtaka. 

"He flew to Switzerland just this morning. He didn't tell you?" nagtatakang na tanong ni mama.

"What?!" gulantang kong tanong.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama at umakyat na sa kwarto ko. Hindi ko kasi masyadong ginagamit ang cellphone ko these past few weeks dahil busy ako sa pag aaral ng mga tinuturo sa akin every afternoon.

Nakita kong may text si Tyler doon.

Tyler:

I know you'll get mad but first, I want you to know that I woke you up to tell you about my sudden flight. You shooed me away and mumbled about how tired you are from studying kaya hindi na kita ginising. I have to go back to Switzerland kasi may problema sa business and I just read the email today. I'm really sorry, Wave. I'll come back there, I promise. Do reactivate your facebook account and tell me how I can make up to you. Take care always!

Kahit naiinis sa kaniya dahil sa hindi pamamaalam, natawa nalang ako sa pagiging sweet nito. I understand how concern he is about me dahil siya ang nasa tabi ko while I suffered from my mental illness ngunit natuwa ako sa pag alis niya.

Hindi dahil ayaw ko siya sa tabi ko kung hindi ay dahil sa reaction ko ngayon. I realized just now how i've healed kahit hindi pa fully ay malaki na ang improvement ko. Right now, I just know i'll miss Tyler but I know kaya ko na ng wala siya.

Naiiyak ako ngunit nakangiti pa rin. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Pumatak ang luha ko dahil sa saya ngunit hindi rin natanggal ang ngiti sa labi ko. I think... i'm getting better. 

Narinig ko ang katok sa kwarto ko at mabilis na pumasok si mama at papa. They looked nervous kaya naman ay nagtaka ako. Mukhang naka hinga naman sila ng maluwag ng maabutan akong nakangiti sa text ni Tyler ngunit may pagtataka nang makita ang mga luha ko.

"A-akala ko napano kana. Are you alright?" mama asked. 

Alam kong inaalala rin nila ang magiging reaksyon ko kung hindi ko na kasama si Tyler. Naluha ako sa pagiging concern nila at niyapos silang dalawa. 

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon