Chapter XII

63 4 1
                                    

Kahit naguguluhan ay sinundan ko siya. He took my towel and wrapped it around my body bago ako iginiya sa upuan ng cottage na pinaglagyan namin ng mga gamit ko kanina.

"What did you tell Luke? He went home?" naguguluhan ko pa ring tanong.

"I told him that i'll take care of Lexa's task and told him to go home." diretsong sabi niya, nakatitig sa akin.

"Oh okay." sagot ko naman at tumango nalang.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya nang naalala ang sinabi ni Lexa kagabi. I just hope she didn't tell him kasi ang awkward.

"Uhm, what are we gonna talk about?" mahina at kuryosong tanong ko kay Axel.

Hindi ito nagsalita kaya naman, nilingon ko siya ngunit nakatitig lang ito sa akin. Halatang tinitimbang ang reaksiyon ko. Nailang agad ako kaya iniwas ko nanaman ang titig ko sa kaniya.

"You cried?"

"Huh?"

Hindi niya inulit ang sinabi niya kaya napalunok nalang ako sa naramdamang kaba. Damn, sinabi ni Lexa.

Nahiya ako bigla para sa sarili kaya hindi ko siya matingnan. He moved a bit closer to me, sakto lang na mag dikit ang mga binti namin.

Nagulat ako kaya naman ay napatingin ako sa kaniya ngunit mabilisan ring binawi ito dahil sa hiya.

"I'm sorry" mahinahong sambit ni Axel na ikinabigla ko.

"Huh? F-for what?" tanong ko kahit may ideya na ako na may alam na siya sa dahilan ng pag iyak ko.

Hindi siya sumagot ngunit ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. Nanatili kaming tahimik ng ilang segundo bago siya nagsalitang muli.

"For not seeing it clearly.." sagot niya. Napakunot ang noo ko sa pag tataka kaya naman napalingon ulit ako. This time, nakalimutan ko na ang hiya dahil sa pagtataka.

"Seeing what clearly?" tanong ko.

I saw how his jaw clenched a bit before he swallowed na naging dahilan para mapansin ko ang pag galaw ng adam's apple niya. Ibinalik ko agad ang titig ko sa mga mata niya. Stop being distracted, Waverly.

"Luke and Ethan, do you like one or both of them?" diretsong tanong niya, hindi sinasagot ang tanong ko.

Umusbong ulit ang iritasyon ko dahil ito rin ang pinagusapan namin kahapon kaya ako umiyak. Is he seriously insinuating na may gusto ako sa kanilang dalawa? Does he really think i'm a two timer?

Kunot noo ko siyang tinapunan ng masamang tingin bago inis na sinagot.

"What?! Are you gonna tell me again that i'm a two timer like yesterday? God, why are you—" natigil ako sa pagsasalita nang nagsalita siya.

"Let's not fight, please," malumanay niyang sambit sabay lunok ulit kaya bumaba nanaman ang titig ko galing sa mga mata niya pababa sa leeg niya. Damn.

Naibalik ko naman kaagad ang titig ko sa mga mata niya nang nagsalita ulit ito.

"Just please answer the question, Waverly" matigas na sabi niya.

Still confused, I looked at his eyes, hindi malaman kung ano ang isasagot dahil lumilipad kung saan saan ang isipan ko. Ngayon ko lang napansin ang pagiging iba ng mukha niya. He usually has this clean and serious face on the past few days.

Ibang iba sa ngayon. His usual brooding eyes became softer today, tila walang ibang masamang iniisip para maging matigas ang ekspresiyon nito. His overall face looks relaxed right now, ibang iba sa bad boy aura na pinapakita niya sa school. Hindi rin ako sigurado kung dahil sa relaxed rin ang pag iisip niya o dahil sa bagong gising ito. Whatever the reason is, he looks pretty angelic yet serious today.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon