Chapter I

183 12 2
                                    

Hindi alam ang gagawin ay napahilata nalang ako sa kwarto matapos magbihis at tinabunan ang mukhang sing pula na ng kamatis. Hindi talaga ako makapaniwala. Sa lahat ng pagkakataong magkamali ako ng pasok ay ngayon pa na nandon at kakaligo lang ni Axel o Lance.

Napaisip naman ako at biglang nasapo ang ulo. Lance Axel Fabiano is Axel's full name at Tara Lexa Fabiano naman ang kay Lexa. Lahat ng tao rito ay Lance at Tara ang tawag sa kanila ngunit mas pinili kong Lexa at Axel ang tawag sa kanila dahil yun ang tawag nina Tita sa kanila kaya't Wave na rin ang tawag nila sa akin dahil yun ang tawag ni Mama kahit Mira ang tawag ng mga ibang tao sa akin.

Bukod pa roon ay naisip ko rin kung paano nagpakilala si Axel bilang Lance sa aking kanina. Wala akong ibang nararamdaman bukod sa hiya kung hindi ay inis. Nag expect akong malaki ang pinagbago ni Axel ngunit gaya noon ay gago parin pala ito. Tsk.

"Wave! Tawag na tayo sa labas for dinner! Sa main garden raw ang dinner!" katok ni Lexa.

"Sige, susunod nalang ako! Magbibihis pa ako." sabi ko kahit tapos na akong magbihis. Nahihiya ako at ayaw kong makita si Axel.

Kahit naka high waist shorts at white crop top na ay inayosan ko parin ang sarili ko kaya't naglagay ako ng konting tint at powder tsaka sinuklayan ang mahaba at kulay brown at straight kong buhok. Naalala ko noong mga bata pa kami ni Lexa ay napagkakamalan kaming kambal ngunit ang aming buhok ang talagang malaking pagkakaiba namin dahil maypag ka kulot siya.

Matapos ayusan ang sarili ay lumabas na ako sa kwarto at tinahak na ang papuntang garden na nasa kanang bahagi ng mansiyon. Habang naglalakad ay naririnig ko na ang tawanan nila at hindi ko na napiligang kabahan.

"Wave! halika dito ka umupo sa tabi ni Tita Helen!" ani Lexa na tinuturo ang upuan sa tapat ni Axel.

Ngumiti ako ng hilaw lalo na nang naramdaman ang titig ni Axel sa akin na hindi ko binalingan. Tahimik lang ako at nakatingin sa plato nang naka upo na.

"Nako! Helen, ang ganda na ng anak mo! Laki ng pinagbago! Kung sa bagay, matagal na rin noong dumalaw siya dito." natatawang wika ni Tito Alex. Ngumiti lang ako at nagpasalamat.

"Ay nako Alex, malamang at sa akin magmamana kaya nga ang ganda at gwapo na rin ni Lexa at Axel oh kasi manang-mana sa inyo!" pabirong sagot naman ni mama. Napatingin naman ako sa nakatitig na si Axel at nag iwas na rin ng tingin dahil nakatitig parin ito.

"Oh, Kuya! Si Waverly nga pala. Yung kababata natin na palagi mong inaaway. Maging mabait ka sa kanya ha! Tss" banta ni Lexa sa kuya.

"Yeah, we already met, Lexa, so shut it." sabi nito at inirapan ang kapatid. Ang suplado. Tss.

"Axel, stop being mean to Lexa. Saan nga pala kayo nagkita?" tanong ni Tita Grace.

Nagkatinginan kaming dalawa at ngumisi ito. Kinakabahan ako sa ngisi niya kaya nagmadali akong sumagot.

"A-ah, sa hagdanan po Tita noong paakyat ako.. sa kwarto."

"Ayieee, nagkita na sila ng crush niya!" tukso ni Lexa kay Axel na dahilan kung bakit parehong nanlaki ang mga mata namin at mabilis na kiniliti ni Axel si Lexa.

Nag asaran ang dalawa kaya nagtawanan ang buong hapag ngunit hindi ko mapigilang mailang dahil sa huling sinabi ni Lexa. Biro lang naman siguro yun kaya hindi na rin namin dinibdib. Close naman silang dalawa kahit noong mga bata pa kami ngunit palaging naiinis si Lexa sa kapatid dahil sa palagi akong inaaway nito.

Kumakain kami ngunit pansin ko parin ang miminsang pagsulyap ni Axel. Nahihiya ako kaya't nagmadaling kumain. Pinadala ni mama ang camera kaya't ito ang ginawa kong libangan habang kumakain pa sila. Tinitignan ko ang mga kuha namin ni Lexa kanina at parehong magaganda ito. Para nga kaming magkapatid.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon