Chapter VIII

77 6 2
                                    

With the spatula still in the air, dahan-dahan niya itong binaba.

Napalingon ako kay Axel and his eyes look irritated. Matalim niyang tinitigan si Luke but then drifted his still irritated eyes to mine.

He might be getting the wrong message because the whole scene is quite sweet kung ibang tao ang nakatingin but then to me, it was nothing. What I don't get though is him being irritated. The last few days, I would have thought that he's jealous because he likes me but because of his actions and harsh words a while ago, I now doubt that he likes me.

He was extra nice to me but after the kiss, he started being harsh again. Probably because he almost got it, huh? Nothing surprising for a playboy.

Uminit ang ulo ko sa iritasyon dahil sa iniisip kaya naman, hindi na rin ako nag abalang mag mukhang guilty sa nangyari. I just looked at him with a plain expression and smiled at him without humor.

"Cooking"

Nakita ko agad ang iritasyon sa mga mata niyang mas nag-alab. If glares were fire, malamang ay naging abo na ako dahil sa init. Parang ilang minuto nalang at sasabog na siya kung hindi lang dahil sa pagsasalita ni Luke.

"Sir... tinutulungan ko lang po si Mira. Mukhang nahihirap--"

Hindi natuloy ang sinasabi ni Luke dahil mabilisang naglakad si Axel papunta sa akin. Kahit naka apron pa ay hinigit ako ni Axel galing sa tabi ni Luke at mabilisang kinaladkad paalis sa kitchen.

"Axel, ano ba?!" reklamo ko.

Wala siyang imik ngunit hinihigit pa rin ako papunta sa pool side ng bahay nila. Dahil masyadong mainit ngayon dahil sa sikat ng araw, hindi na ako nagtaka kung bakit sa bermuda grass malapit sa chair loungers niya ako dinala.

Nang makarating na sa parte na may lilim ng malaking kahoy, marahas niya akong binitawan na parang napapaso sa paghawak sa akin. Hindi naman masakit pero napahawak ako sa palapulsuhan ko dahil sa gulat.

Nakita kong tinitigan niya ang pagkahawak ko bago ako tuluyang tinapunan ng tingin sa mga mata. Nag daan ang tingin ng pag-aalala ngunit naungusan rin ito ng nagbabalik na iritasyon.

"What the hell is your problem?!" sigaw ko. Iritadong-iritado na rin talaga ako.

Napapikit siya sa at napalunok bago muling dumilat, mas mapungay na ang ekspresyon ng mga mata.

"Wave, let's calm down and talk. Okay?"

I looked at him, dumbfounded. Calm down, really? He basically just dragged me out without any valid reason after showering me harsh glares since the last time we talked. He insulted me because he thinks one viand is enough to determine a skill i'm only beginning to learn and he wants me to calm down?

Still, I tried my best to be composed and took a deep breath. I can handle this. After taking a deep breath ay nginitian ko siya at kahit iritado na ay nagsalita pa rin.

"Okay, sure! Let's talk!"

He stared at me without any expression bago nakabawi at nagsalita na rin.

"Stay away from Luke." he said with finality.

Hindi muna ako nagsalita, naguguluhan pa rin sa sinasabi niya. Is he jealous?

"Why?"

"Kasi sinabi ko." he said, tinitimbang ang reaksiyon ko.

Because of what he said, all the efforts I had to keep all these calm and civil became like a rubber stretched beyond its capacity to remain intact. Hindi ko na napigilan ang sariling mainis kaya naman dire-diretso na lahat ng sinabi ko.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon