Inis na inis sa aming dalawa ni Lexa si Axel dahil usap usapan kaming dalawa sa buong school at sa iba niya pa nalaman ang tungkol sa nangyari noong finals. Right after that, Ethan messaged me on facebook asking for forgiveness kasi hindi niya daw alam. I only told him that it was fine kasi ako rin ang nagpumilit na itago ito.
I thought I would be getting hate from Axel's admirers after that stunt ngunit mas maraming gustong makipagkaibigan sa akin. They all got moved by Axel's little show that some people even message requested me on Facebook telling me how they all got giddy over it.
Si Lexa lang ata ang hindi natuwa dahil hindi niya na witness ang buong pangyayari kasi nga absent siya.
"I've been your number one supporter since day one and I was not there when you guys decided to pull that stunt?! This is insulting!" madrama niyang reklamo sa harap namin ni Axel ngayon. We were inside her room, waiting for her to be done with make up and dressing up.
Ngayong gabi na ang pageant niya for the Miss Intramurals of the year at ito pa rin ang pinoproblema niya. Nakita niya lang ang posts at isang video na hindi kumpleto roon sa Facebook ang tungkol sa nangyari.
Reklamo siya ng reklamo sa amin simula kagabi at kahit ngayong inaayosan na siya. Natatawa lang ako pero si Axel ay rinding rindi na sa drama ng kapatid.
"Shut up, Lexa. It's not that much of a big deal," iritadong tugon naman ni Axel sa kapatid.
"Oh come on! It sure is! You're known to be a playboy but very suplado to others and then suddenly you're out there announcing your love for a girl as pretty as Wave at courting pa?! I mean.. You haven't courted anyone ever!" sabi ni Lexa.
Nagsimula nanaman siyang maglitanya patungkol roon at natigil lang nang nasa university na kami at nasa backstage na siya.
"You're best friend's annoying," sambit ni Axel habang hinihintay namin ang simula ng pageant. Nasa harap na upuan namin si Tito, binabantayan ang naiwang mga gamit ni Mama at Tita dahil nasa backstage at inaalalayan si Lexa.
Gusto ko rin sanang pumunta pero pinaupo nalang ako ni tita rito dahil naiingayan siya sa pabalik balik na reklamo ni Wave patungkol sa amin. Natawa nalang ako at sinunod si tita.
"Hey, stop that! Stop being mean to your sister!" saway ko pero natatawa sa sinabi niya.
"Tss. Did anyone send or tell you mean messages after that?" tanong niya, ngayon lang pinagusapan ang epekto ng ginawa niya.
"Nope."
"Damn, sana pala mas ginawa ko 'yon ng maaga para wala agad diskarteng nagawa si Ethan."
Humalakhak ako sa pagka seloso niya. Ang mean comments kasi ang inaalala namin noon kaya ngayon ay nagsisisi siya bakit pinatagal pa.
Bumalik sa upuan si Tita at Mama. Nagsimula ang pageant.
"I believe that the best thing you can offer someone you love is trust. Love, no matter what form it maybe, will always be about risk and how can you risk without trust towards the other person? You can't. So I believe that trust will always keep the relationship working. No matter the hindrances. Thank you."
Napapalakpak ako sa sagot niya at natantong tama ito. Love is always about risk. Napatingin naman ako sa nakangising si Axel na pinalakpakan ang mahal niyang kapatid. Tama nga siguro, love is risk.
Walang kahirap hirap na naipanalo ni Lexa ito. Inexpect na rin naman ni Tita ito dahil bata pa lang daw si Lexa ay mahilig na siyang sumali sa mga ganito at kung hindi runner ups ay siguradong korona naman ang nakukuha.
BINABASA MO ANG
Cascading Waters
RomanceStarted: April 06, 2020 Completed: July 06, 2020 Trigger warning: Sexual Assault Waverly came back to Bahiran to chase her dreams and build a new life but that new beginning came with a price. Like the cascading waters, she unintentionally fell for...