"You should have stayed in the cafe," malamig na sambit ni Axel.
Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Kinuha niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon saglit. Unti-unting napalitan ng takot ang pagkakalito nang napatingin ulit ako sa mukha niya.
Ang kaninang walang emosyon na mukha ni Axel ay galit na galit ngayon. Nakita ko rin ang duguan niyang mukha at naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.
"Now look at me! This is all your fault!" he shouted angrily.
"I'm sorry, i'm sorry!" paulit-ulit na sigaw at iyak ko nang naalala ang pangyayari.
Nagising ako dahil hindi ako makahinga. Naramdaman ko ang malamig na pawis sa buong katawan ko. With heavy eyes, I looked around the white room at natanto ko agad na nasa hospital ako dahil sa nakitang dextrose at hospital gown na suot.
Kahit may luha pa sa mga mata at nahihirapan pang huminga dahil sa panaginip, pinilit ko parin ang sariling bumangon. Napalingon agad sila mama sa akin.
"Oh my God, Waverly!"
Lumapit sila sa akin, nakapinta ang paga-alala sa mukha. Niyapos ako ni mama ngunit hindi ko masuklian ito dahil sa biglang pag sakit ng ulo ko. Parang biglaang hinampas ng martilyo ang ulo ko dahil sa naramdamang sakit.
Napalayo si mama sa akin nang sumigaw ako dahil sa sakit at sinabunutan ang sarili.
"Dave, please call the doctor! Now!" sigaw ni papa.
Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto. Sa hindi malamang dahilan ay nabuhayan ako ng loob nang narinig ang pangalan ng kaibigan ni Axel. Kahit namimilipit na sa sakit ay naramdaman ko ang tuwa nang nakitang pumasok ulit ito kasama ang mga nurse at doctor.
Nagmamadaling lumapit ang mga ito sa akin dala ang mga injection. Alam ko agad na pampatulog ito kaya kahit nahihirapan ay hinarap ko si Dave.
"S-si A-axel?" tanong ko sabay ngiwi dahil sa sakit.
Nakita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Dave bago yumuko kaya lumabas agad ang mga luha sa mata ko. Hindi na ako nakasagot dahil matapos ang ilang segundo ay nakatulog na ako.
Nagising ulit ako ngunit hindi gaya noong nauna ay madilim ngayon. Nakita kong alas tres pa lang ng madaling araw. Mas mabuti ang pakiramdam ko ngayon kaya sinubukan kong i-angat ang sarili.
Nakita kong gumalaw si papa na nasa may bandang binti ko ang ulo. Napansin siguro ang galaw ko kaya nagising. He looked at me with tired eyes kaya nginitian ko siya.
"How are you feeling?"
"I-i'm feeling okay," sagot ko.
Ngumiti rin si papa at tinabihan ako sa kama. Umusog ako bahagya para mabigyan siya ng ispasiyo.
"Si mama?" tanong ko.
"She's at home with Tyler. Ty's been running the cafe for now kaya your mama helped."
Kumunot ang noo ko. "How long have I been here?"
"Three, princess."
Natahimik ako. Gusto kong maiyak ngunit nakita ko ang pinaghalong pagod at paga-alala sa mukha ni papa. I've been too much of a liability these days. Ayoko nang dumagdag kaya tinatagan ko ang loob ko at tumango lang.
"How's... Axel?" I asked.
"He's stable. Nasa kabilang kwarto lang ngunit hindi ka papayagang pumasok. It might... trigger your anxiety somehow kaya kailangan mong magpagaling muna."
BINABASA MO ANG
Cascading Waters
RomanceStarted: April 06, 2020 Completed: July 06, 2020 Trigger warning: Sexual Assault Waverly came back to Bahiran to chase her dreams and build a new life but that new beginning came with a price. Like the cascading waters, she unintentionally fell for...