Chapter XIX

66 4 0
                                    

Sobrang bilis ang agos ng oras sa sem break. Dahil hindi pa naman namin nalibot ng tuluyan ni mama ang buong Bahiran, hindi na nag abala pa ang mga Fabianong lumuwas para mag bakasyon. Axel's family spent their vacation with us in Bahiran.

Hiyang hiya nga si mama dahil nagiging pabigat na raw kami sa kanila but they would only laugh and joke about me being the part of the family because of Axel and I's relationship. We spent most of our days in Manta and most of our nights in North Top.

Bahiran isn't entirely big but because of the lovely places we visited, I don't think i'll ever think of leaving this place. Sure, Switzerland was lovely too but there's something in Bahiran that makes you feel... home.

If there was one word to describe the whole vacation, it is 'perfection'. It was so perfect that you would think it'll take years to feel pain and sadness again after that surreal feeling. 

"Waverly! Let's go!" 

Naputol ang iniisip ko nang tawagin ako ni Lexa. It was the first day of school again and we decided to eat our lunch somewhere near the garden kaya niya ako tinatawag para pumanhik na kami dahil hinihintay na raw kami ng mga kasamahan namin. Luckily, magkaklase pa rin kami ng barkada.

Susundan ko na sana si Lexa ngunit nakalimutan kong may kailangan pala akong hiraming libro sa library. Axel's been talking about learning a few recipes in that book. 

"Lexa, mauna ka na! May hihiramin lang ako sandali sa library!" sigaw ko dahil malayo na siya. Kumaway lang siya at tinalikuran na ako kaya naman pumanhik na rin ako.

Nang nakapasok sa library at matapos mag log-in, sinuyod ko na ang shelves at nahanap agad ang librong tinutukoy ni Axel. Napag usapan kasi namin ang mga plano namin after graduating and I told him I want to build a bake shop since I love baking but I still want to learn more recipes. Nakita niya raw ito kaya napag usapan namin.

I took the book in hand at mag lalakad na sana ng may marinig na nagbubulungan sa kabilang shelf, mukhang may pinagtatalunan.

"I don't care! Do something about it or else..." 

May pag babanta ang tinig ng babae na mabilis sinapawan ng lalakeng kausap.

"O ano? Sasabihin mo sa kanya? Sabing hinihintay ko lang ang tamang oras eh!"

Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang boses ng lalake. Sinubukan kong silipin kung sino ito ngunit nagsalita nanaman ang babaeng kausap.

"Basta! Bilisan mo. They're getting closer and I fucking hate her," tugon ng babae.

Nanlaki ang mata ko nang makitang ang babaeng nagsasalita ay walang iba kung hindi ay si Tamara at mas lalo akong naguluhan nang makitang ang kausap nitong lalaki ay si Luke..

Aalis na sana ako dahil iba ang kutob ko sa paguusap nila ngunit muntik na akong mapatili nang may yumapos sa akin galing sa likod. Nakahinga lang ng mabuti nang naamoy ang pamilyar na bango ni Axel.

"Hey, you okay?"

Nilingon ko naman siya at hindi muna sinagot. Sinilip ko ang kabilang shelf ngunit wala na sila doon. Namalik mata ba ako?

Tiningnan ko si Axel at halatang nagtataka rin ito sa pag ka gulat ko at tumingin rin sa kabilang shelf, hinahanap ang sagot. Nginitian ko lang siya at tinanguan sabay pakita ng librong dala ko. I held his hand at sabay na kaming pumunta sa librarian at hiniram ang libro.

"Garden?" he asked. I nodded. 

Hinigit niya naman ako papunta roon ngunit habang naglalakad ay nanatili pa rin sa isip ko sa naabutang pag uusap kanina. I'm certain it really was the two of them. 

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon