"Why don't we ask your Tito Alex for help? They're really knowledgeable about root crops and local fruits compared to me, princess."
It's been weeks since the bake shop's construction started at mas nararamdaman ko ang kaba habang papalapit ang opening. It will be ready in less than three months now at hindi pa rin ako gaanong maalam sa local root crops.
I tried baking different cakes and recipes using different ingredients in the last two weeks ngunit hindi ko pa rin nakukuha ang lasang gusto ko. The root crops are just different here than in Switzerland.
"Hindi ba 'yan hassle sa kanila? I feel like a big liability now!" frustrated kong reklamo sa ama. Naabutan niya kasi ako sa kusinang namomroblema sa ginagawang banana cake na madali ko lang naman ma perpekto noon.
Papa let me sit down a bit to help me relax para mas ma discuss namin ang problema. In the end, we decided it was the main ingredient that went wrong kaya naman ay tinanong ko siya patungkol sa mga root crops and fruits kung ano ang maganda dito ngunit limitado lang rin ang alam niya.
"We'll never know if we don't try, do we?" papa smiled. He went to my side and hugged me while caressing my hair. "Stop worrying too much. That's just one of the trials you'll have to face in order to attain a successful business. I'll be the one to call your tito, okay?"
Napangiti ako sa comfort na binigay ng ama at niyapos na rin siya pabalik. Tumango ako at nag relax na lang dahil ayaw kong ma stress sa mga bagay na pwede namang matutunan. Ayaw ko sanang mang abala sa mga Fabiano but I guess I have no choice.
"Group hug!" sigaw ng kung sino. Hindi pa kami nakakagalaw ni papa ay may yumapos na sa aming dalawa ng sobrang higpit.
Muntik na akong hindi makahinga kaya tinulak ko agad sila at huminga ng malalim nang naka bitaw bago ko sinamaan ng tingin ang nakangising si Tyler at hinampas ng malakas.
Natawa naman si papa ngunit hindi na nagsalita at pinabayaan nalang kami. He took his phone out at naglakad na papunta sa sala, tingin ko ay tatawagan na si Tito Alex.
"You asshole!" reklamo ko.
He stuck his tongue out bago ginulo ang buhok ko. Kakasuklay ko lang kaya naman ay gumanti ako at nag asaran lang kami hanggang sa bumalik si papa.
"Princess, I called your tito already at ang sabi niya ay may tauhan na siyang napili na tutulong sa'yo. Pwede ka raw pumunta sa farm nila ngayong hapon para masimulan ang pagtuturo sa'yo," papa informed me.
Na-excite naman ako at agad ring tumango. Mabilis rin akong tumayo para mayakap ng mahigpit si papa. "Thank you! You're the best!"
Hinalikan ni papa ang noo ko at bumalik na sa sala.
"Where are you going?" tanong ni Tyler na ngayon ay nasa tabi ko na at mukhang naguluhan sa usapan namin ni papa.
"The Fabiano's farm. I want to learn about local root crops and fruits to prepare for the bake shop. Sama ka?"
"I'll pass. Having you near me plus being in the Fabiano property smells trouble to me so, nope!" sabi niya.
"Duh, wala naman si Axel. Like what papa said, worker nila ang magtuturo sa akin."
"Nope!" maarte niyang sabi.
Inirapan ko nalang at iniwan na sa kusina para mag pahinga para mamayang hapon. I slept a bit longer than what I originally planned kaya naman ay nagmamadali na akong magbihis dahil mala-late ako sa usapan. Nakakahiya naman sa kung sinong magtuturo sa akin.
BINABASA MO ANG
Cascading Waters
RomanceStarted: April 06, 2020 Completed: July 06, 2020 Trigger warning: Sexual Assault Waverly came back to Bahiran to chase her dreams and build a new life but that new beginning came with a price. Like the cascading waters, she unintentionally fell for...