Chapter II

135 8 0
                                    

Dahil sa sinag ng araw galing sa nakabukas na bintana, nagising ako at naramdaman ang konting sakit sa ulo. Hangover. Hindi naman masyadong masakit ito dahil na rin siguro hindi naman marami ang nainom ko at nakatulog agad matapos ako ihatid.

Napagdesisyonan kong bumangon at pumasok sa cr para maghilamos. Nauhaw ako kaya't kahit pagod pa rin at halos naka pikit habang nag lalakad, nakarating ako sa kusina at uminom ng tubig. I did a little head stretching after drinking.

Muntik ko nang mabitawan ang basong dala dahil paglingon ko sa dining table ay mukha ng bagong ligong si Axel ang bumungad sa akin. Naka puting tshirt ito at may tuwalyang nakasabit sa balikat, halatang bagong ligo dahil na rin sa basa at magulong buhok nito. Kumakain siya ng umagahan at nakangisi sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko, rason kung bakit sinundan ito ng mga mata niya at mabilis ring tumikhim at binalikan ang aking mga mata.

"Good morning" sabi nito, halatang nanunukso.

Hindi ko naman mapigilang mamula dahil sa hiya at binati na rin siya. Hindi alam ang sunod na gagawin ay tinalikuran ko siya at dali-daling nilapag ang baso. Aalis na sana ako para bumalik sa kwarto para ma ligo ngunit bigla siyang nagsalita.

"Breakfast?" tanong niya, nakangisi parin. Hindi ko naman siya pwedeng hindi-an at baka makita niyang nahihiya ako at kinakabahan.

Hindi ko rin alam kung bat ako kinakabahan. Baka dahil hindi kami close at ang awkward pa ng first meeting namin? ewan, baka ganoon nga.

"Uhm, saan sila Lexa?" tanong ko, pansin ang katahimikan ng bahay. Dahan dahan rin akong lumapit sa tapad ng inuupuan niya para makakain. Kaya ko 'to, si Axel lang naman to.

"Lexa's out with papa for the business while mama and your mom is out too, enjoying themselves." diretsong sagot niya.

"Okay" sagot ko.

Natahimik kaming dalawa at awkward akong gumalaw para kumuha ng kanin at ulam habang nakatitig siya. Shit, why did I not go back to my room? This is really awkward. Mabilis akong nag isip ng topic para naman may pagusapan kami.

"Thank you pala sa paghatid kagabi." I said.

"Yeah, you're not much of a drinker so better take it slow next time." ani nito, nakangisi parin. Naaalala siguro ang mabilis kong pagkalasing kagabi. Awkward akong tumikhim at tinutukan nalang ang pagkain.

"Saan tayo mamaya?" tanong ko, pertaining to the photography spots he mentioned.

"Hmm" he said, thinking as he took one last bite from the tocino and he drank his water before he continued. "I don't think you remember the places but you've been there before so I guess you'll just have to wait and see."

"Okay. I guess so, Manta Falls lang ata ang natandaan ko sa lahat dito eh." sangayon ko.

"Yeah, I remembered you being all giddy whenever someone mentions Manta to you." ngisi niya.

"Yes! and you'd always tease me about how corny I am." natatawa ako tsaka sumimangot. I immediately stopped with the face when I saw him looking at me intently. Damn, I got carried away.

"Yeah" mahinang sabi niya, nakatitig parin at nakangisi na nang nakita akong nag seryoso bigla. There's something about the way he stares, it makes me nervous which is weird. I usually am used to people staring so i don't get nervous easily. Maybe because he also smirks a lot like i'm some joke in front of him.

"Mira! Anak! San na ang pasalubong ko?" sigaw ni Nana Gracia na siyang dahilan kung bakit nabasag ang katahimikan. Nawala bigla ang kaba ko dahil sa titig ni Axel at bumalik sa natural na sigla ko.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon