Chapter XXXVII

42 3 0
                                    

"Kuya!" 

Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang mga katok at tinig ni Lexa na nanggaling sa labas ng kwarto ni Axel. He didn't even stop kissing me. I had to push him away para mahiwalay kaming dalawa. 

"Axel! Nasa labas si Lexa," I whispered, afraid she'll hear me.

Dahil nag-text ang parents namin na darating sila sa araw na ito ay minabuti naming dito matulog kagabi. 

Sinabi kong sa kwarto ko ako matutulog kaya naman ay hindi ako pinansin nito kahit noong kumain na kami ng umagahan kanina. Kinulit ko siya kaya lang umabot sa halikan at heto kami ngayon sa kwarto niya. 

Kanina ko pa siya kinukulit na pakawalan ako sa takot na maabutan kami ng parents namin. Nagulat nga lang ako at si Lexa ang kumakatok. Mas nauna sila? Hindi naman ito nagsabi na pauwi na sila.

"Tss, this brat."

Tumayo si Axel at nagsuot ng t-shirt kaya inayos ko rin ang na-gusot kong suot at nagulong buhok. Buti nalang at hindi pa masyadong malalim ang ginawa namin kanina at siya lang ang naghubad ng t-shirt.

Binuksan ni Axel ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang binuksan niya ito ng buo at iniluwa nito ang gulat ngunit nakangising si Lexa. Palipat-lipat ang tingin niya sa kapatid na ngayon ay nasa harap niya at sa akin na nakaupo sa higaan nito.

"Oops?" 

Namula agad ang mukha ko dahil sa sitwasyon. Sinamaan ko ng tingin si Axel ngunit hindi naman nakatingin ito dahil kinakausap ang kapatid.

"What? You're disturbing us," kaswal na sabi nito.

Napapikit ako sa hiya at humiling na sana'y kainin ako ng lupa. Lexa's my best friend but she's still my boyfriend's little sister! This asshole just doesn't know how to control his mouth!

Humalakhak si Lexa at mas lalong ngumisi.

"Oh, i'm sorry! I thought you miss me but seeing Waveyyy all flushed right now, I guess i'm wrong? Anyway, you better fix yourselves. They're coming. You wouldn't want Tito to see you both almost naked and panting, right?"

Ngumisi si Axel at tinaboy na ang kapatid. Nang bumalik ito at yayakapin na sana ako ay hinampas ko ito.

"Aray!" react niya, hinawakan ang braso niyang tinampal ko.

"Baka anong isipin niya!" 

He chuckled. "What? Let her think what she wants to--"

"Ewan ko sayo! Baka isipin non kung ano-anong kababalaghan ginagawa nating dalawa!" reklamo ko pa rin.

He rolled his eyes. 

"Baby, Lexa's open-minded. Her thoughts won't do you any harm 'tsaka..." ngumisi ito at marahan pinadaussdos ang mga kamay sa tiyan ko bago ako niyakap at binulongan. "totoo rin namang may ginagawa tayo..."

Nakaramdam agad ako ng marahang kiliti kaya lumayo at hinampas ulit siya. Nang nakatayo na ay sinamaan ko siya ng tingin habang siya'y humahalakhak. Hindi rin naman nagtagal ito dahil inabot niya agad ang baywang ko at sinubsob ang mukha sa tiyan ko sabay yakap sa akin.

"Hmm, i'm gonna miss our days together so much," he muffled.

I rolled my eyes kahit hindi niya ito kita. "We're still gonna see each other even if they're here, Axel. What are you talking about?"

He sighed before looking up to me, pouting like a baby.

"But we're not gonna be able to stay in our house or spend our time together too much. I don't think Tito will allow it..."

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon